Ara Mina at Mayor Patrick Meneses, may problema sa relasyon

Ara-Mina-Patrick-MenesesANO BA talaga ang nangyari sa pagsasama nina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses? Split na ba talaga ang dalawa tulad sa kutob ng marami dahil sa IG posting ni Ara kamakailan.

Kung maaalala pa, just recently ay pinabinyagan nila ang anak nila na based sa photo coverange ng mga naroroon sa event at imbitado, tila wala namang problema sina Ara at Patrick.

Out of the blue, heto’t may ganu’ng drama.

Nu’ng pumutok ang balita last week tungkol sa split-up ng dalawa, ayaw magsalita si Mayor Patrick, umalis papuntang Hong Kong na ang balita, may ibang kasama raw ito kaya hindi nakuhanan ng kanyang side tungkol sa balita.

Si Ara naman, hindi rin nagsalita, pero may official statement na ipinadala sa mga kaibigang press na nakasaad: “Para sa mga kaibigan at taga-suporta namin ni Pat, maraming salamat sa inyong concern. Ang aming pinagdaraanan sa ngayon ay bagay na hindi lamang sa amin nangyayari as a couple. Ito ay isang pagsubok na nararanasan ng mga taong nagmamahal at nasa isang relasyon. Kung anuman itong pagsubok na aming hinaharap sa ngayon, naniniwala akong malalagpasan namin ito. Hinihiling ko po ang inyong malalim na pang-unawa at dasal alang-alang sa aming anak. Maraming salamat po.”

We just hope na maayos nina Ara at Patrick ang problema na pinagdaraanan nila ngayon. Kawawa naman kasi ang anak nila.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Ara Mina at Mayor Patrick Meneses, may problema sa relasyon

  1. graveh nman tong 2 to kung kelan ngkaanak dunpa ngkaproblema imbes na mas tumatag pgsasama nila…hay buhay nga nman walang kasiguraduhan..

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.