Ara Mina, kinukunsinti raw si Cristine Reyes

Ara Mina, kinukunsinti raw si Cristine ReyesKinukunsinti umano ni Ara Mina ang mga pagkakamali ng nakababatang kapatid na si Cristine Reyes, kaugnay ng isyu Cristine sa beteranang aktres na Vivian Velez.

Ipinost kasi ni Ara Mina sa kanyang Instagram account, noong Miyerkules, March 9, ang pahayag ng mga taga-produksiyon ng “Tubig at Langis”, kung saan inaabsuwelto nito ang aktres mula sa akusasyon ng pambabastos umano ni Cristine Reyes kay Vivian.

Sa mga komento at batikos ng mga netizen, sinasabi ng mga ito na dati nang may isyu ng pagmamaldita si Cristine. Dagdag pa ng mga ito na hindi dahilan ang pagmamahal natin sa ating mga kapamilya para kunsintihin at pagtakpan ang pagkakamali ng mga ito.

Sinagot naman ni Ara Mina ang batikos at komento at nilinaw na hindi pangungunsiti ang kanyang ginawa.

Ani Ara Mina, “Hindi ko kukunsintihin kung mali po ang kapatid ko, pero nagkaroon talaga sila ng misunderstanding. Kasi kinuwento naman ng kapatid ko na hindi naman siya talaga ang nagpaalis. “Bigyan n’yo po siya ng chance dahil nag-mature na po siya. Compared before, nagbago na rin siya.

“Kakalungkot lang kasi porke’t may record, di na ba puwede magbago ang mga tao?”

Umaasa sa ngayon si Ara Mina na maayos nang matutuldukan ang anumang gusot sa pagitan ni na Cristine at Vivian.

By Parazzi Boy

Previous articleShalala, itinangging naghihirap na siya
Next articleKris Aquino, nirerespeto ng ABS-CBN ang desisyong magpahinga sa showbiz

No posts to display