Ara Mina, kalat na sa internet ang ‘pangit’ na video!

AGAD-AGAD NA MAY nagkalat ng video ni Ara Mina sa isang interview niya sa Facebook. Ang unang reaksiyon nga ng mga nagmamalasakit kay Ara eh, ang pagsasabi kung bakit kinakailangang isang taga-showbiz din ang pumatol sa nasabing video kung saan nagnanais na palabasing bobo at walang alam si Ara sa mga sinasagot nitong tanong sa kanya.

Hiningan na namin agad ng panig si Ara kahit sinabi nitong magpapalabas na lang siya ng statement.

“At the rate it’s going, naging viral campaign ito against me, which is unfair kasi nai-influence ang mga tao based on a video that has been re-edited.

“Anyway, para malinawan ang mga bagay, una, I will not claim and I have never claimed na napakagaling ko or that I know everything about national issues. Kung ang tanong is that, kung may alam ba ako? Oo! But in an interview na rapid fire ang pagtatanong, siyempre nag-iisip pa ako, bumabalanse at nag-a-assess kung anong implications ng sagot ko. Halimbawa, am I for or against pre-marital sex? Against! Bakit? Maraming kabataan na ang nakatingin sa akin ngayon, who will follow my example, who will take my answer seriously.

“Tama ba’ng sabihin ko na yes, I am for pre-marital sex? Hindi. Kalat na kalat na ngayon ang issue ng pagdami ng may HIV at AIDS na kabataan tapos sasagot ako na parang kino-condone ko pa? Susunod, are you for or against private armies? Even dito sa bagong commission na itinatag nila, sa tingin mo mawawala ‘yung mga pulitiko o tao na natatakot ma-ambush o mapatay? Hindi. Alam n’yo, ‘yung problema kasi during the interview, ang dami kong tinitimbang sa isip ko. At kahit sinong guest siguro dumadaan sa ganito, tama ba o hindi? Okay ba o hindi? Hindi ibig sabihin noon, wala akong alam o wala akong pakialam. Ang problema ko lang, hindi ako sanay sa political interviews.

“Pero ‘yung husgahan ako na parang ang sama-sama ko na, ang sakit naman. Ang sama ng loob ko, is kung bakit after almost one month after ko na nag-guest at saka inilabas ito? Obviously, may gustong manira sa akin. Imagine, isang oras ‘yung show tapos ang inilabas is a 3 or 5-minute video kung saan naka-highlight ‘yung supposed na pagkakamali ko.

“Alam n’yo, mapapansin naman sa video na nag-iisip ako. I was weighing my answers. Mabilis lang ‘yung tanong. At lalong naging mabilis tingnan when they re-edited the video. Grabe. Kung demoliton job ito, ewen ko na. Nagtiyaga silang i-edit ‘yung video, i-upload at ikalat kung saan-saan. Sana, ipinakita nila ang buong interview.

“Sana po, naisip rin nila na mahirap masalang sa isang political interview lalo na’t ingat na ingat ako na baka may masagasaan o matamaan ako. Regarding Mo (Twister), may nakapagsabi sa akin na days after the interview, nag-apologize siya sa radio program niya for helping me. Hindi ko alam kung ano’ng tulong ang sinasabi niya. Pero ‘di ba, dapat lang, bilang host at ako bilang bisita niya, na alalayan niya ako at hindi lituhin? Bisita ako roon. Tama lang na maging racious o polite siya sa ‘kin. Anyway, ayokong makipag-away sa kanya dahil useless naman, ‘di ba? Pero sana, ‘yung mga nanlalait sa akin, isipin n’yo, paano kung kayo ang nakaupo roon? Paano kung kayo ang nag-iisip pa lang pero may kasunod nang tanong? Madali ang humusga pero paano kung kayo ang nakasalang?

“ Wala namang perpekto (na tao). Pero ‘yung husgahan ako, ‘yung ikalat ang video na pinutul-putol after a month, ‘yung i-upload at gawing campaign against me, ‘di ba mali naman? ‘Di ba unfair naman? Again, ‘di ko sinasabi na napakatalino o napakagaling ko, pero alam ko ang ginagawa ko, malinis ang hangarin ko at kung isyu at isyu lang, may sagot ako. Sa mga naninira sa akin, sana hindi mangyari sa inyo ang ginagawa sa akin ngayon. Pero, God bless pa rin sa kanila!”

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

12 thoughts on “Ara Mina, kalat na sa internet ang ‘pangit’ na video!

  1. wlang kasalana si Mo twister…kung mapapanood nyo napaka lenient na nga ni Mo iniexplain pa nya kay Ara pag inde naiintindihan ni Ara ang questions..actually napaka simple ng mga tanong at bakit inde masagot sagot ni Ara.. Inde paninira yun ng sino mang taga showbiz..it was an interview so Ara must atleast be prepared.. …eh tumatakbo siyang public official eh no? Lagi sinsabi may puso naman si Ara..naku kailangan din ng utak sa pagpapatakbo ng bayang Pinas. Bakit pag matalino ba automatic walang puso…Dami namang may puso may utak din no?…Grabe ibinilad na ni Ara ang kabobohan nya ang nakakatawa pa pinalalbas na si Mo ang naninira hehe ..Ingat na ingat daw siya wlanag masgasaan ehhe inagt na ingat kc WLANG MAISAGOT..SAYANG NGA YUNG AIR TIME EH HEHEHE..nakkahiya,,,,kapag napanood mo nga parang ayaw mo na tapusin ang panonood kc nakkahiya talaga si Ara

  2. aba at galit si rina…publicist ka ba ni ara?! eh kung may malasakit ka sa bayan mo hindi mo na kukunsintihin ang isang artista na gaya ni ara mina na wala naman laman ang utak at kaya lang papasok sa pulitika eh dahil WALA NANG SHOWBIZ CAREER. kaya hindi umunlad ang pilipinas. kung hindi corrupt ang nasa pwesto eh mga BOBO naman. kakahiya..

  3. Kung tatakbo man si Ara Mina, LET HER!!!!!!!!! Karapatan niya iyon and let the people decide kung iboboto nila si AM. Di rin tayo perfect, minsan nagkakamali din tayo! Aanhin mo ang katalinuhan kung corrupt ka naman, mas pipiliin ko na lamang ang BOBO kung may pagmamahal naman sa bayan.

  4. d ako naaawa kay ara.. that’s her fault.. mapa impromptu or not ang question dapat preapred xia… d lng basta gusto mo humabol at sikat ka pwede na..hayy.. mga tao nga naman.. she got her fame now she wants power…

  5. ara dear, sayo nanggaling ang mga sagot sa tanong ni Mo, bakit sasabihin mong may naninira sa iyO? unless ibang boses ang lumabas sa bibig mo. ikaw ang sumira lalo sa sarili mo hindi ibang tao. tuwang tuwa nga ang mga katunggali mo kasi hindi na nila kailangan pang siraan ka kc ikaw mismo gumawa nuon. hahaha. kalokah ka. i-blame ba sa iba ang mga pinaggagawa mo?

  6. BOBO NAMAN TALAGA SI ARA MINA ! At itong si Pilar Mateo, walang kuwentag writer. Isang bayaran na writer. Hinuhuthutan ang mga artista. Kapag di ka magbigay ng pera sa kaniya, sisiraan ka !

Leave a Reply

Your email address will not be published.