Ara Mina, kahit anong gawin niya, wala raw paki si Mayor Patrick Meneses

Ara Mina, kahit anong gawin niya, wala raw paki si Mayor Patrick MenesesUnang in-offer kay Snooky Serna ang role ni Ara Mina sa indie film na “Nuclear Family”, pero walang pakialam ang huli kahit pa pang-ilang choice siya sa movie.

“Wala namang isyu sa akin kahit pang-ilang choice ako. Ang importante sa akin, ako ‘yung last choice,” reaksyon ni Ara Mina.

Hindi rin daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula at gumanap bilang matronang may mga alagang lalaki kahit pa meron na siyang anak na 1 year old.

“Hindi pa naman ito mapapanood ni Amanda kasi one year old pa lang siya. Saka ko na lang ie-explain sa kanya, kapag malaki na siya, ‘yung klase ng trabaho ko.

“Sasabihin ko sa kanya na ang seksi ng mama mo dati kaya nakakagawa siya ng ganyang pelikula. Wala pa rin naman siya sa school kaya wala pang magtatanong sa kanya. Sa tingin ko hindi naman magiging problema ‘yon,” natatawa niyang pahayag.

Eh, hindi kaya mag-react ang tatay ni Amanda at ex-boyfriend niyang si Mayor Patrick Meneses sa klase  ng pelikulang gagawin niya?

“I don’t think so. Iisipin pa ba n’ya yung ganu’n? I’m sure, wala naman na siyang pakialam kahit pa anong gawin ko kasi wala naman na kami,” katwiran pa niya.

Si Jason Paul Laxamana ang magdidirek ng “Nuclear Family” kung saan kasama rin sa pelikula si Martin del Rosario.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “Ara Mina, kahit anong gawin niya, wala raw paki si Mayor Patrick Meneses

  1. hak hak dahil sa sunod sunod na failed relationship sa mga lalaki,,ay susunod na ito kay rosana roces,,sa Tivoli n ito papatol hak hak si Locring hinala ko dahil sa sunod sunod na failed relationship din sa mga lalaki ay sa tivoli na rin ang bagsak ni Locring,,,,,,,,,sana naman huwag,,,,,mag kanak muna siya

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.