Ara Mina, gusto pang pagpalain ang nagnakaw ng motorsiklo ng kapatid

MAY NAGSA-SUGGEST lang na isang friend namin. Kung patuloy pa rin daw ang bangayang Claudine Barretto at Angelica Panganiban, at hindi pa rin ito maresolba, ang naisip nitong paraan…

“Bakit hindi kaya nila dalhin ang isyu na ‘yan sa Face to Face para harapin nila ‘yan, pag-usapan nila face to face? ‘Andu’n naman ang trio tagapayo at bahala na ang mga sawsawero’t sawsawera ang mag-judge sa kanila?”

Sabi nga namin dito, malabong mangyari ‘yon dahil hindi naman mga ordinaryong tao sina Claudine at Angel, at ang isyu pa nila ay ang diumano’y pantsitsismis ni Angel na nanlalalaki si Claudine. Parang nakakalokah naman, ‘di ba?

Ano naman ang magiging title ng episode kung sakali?

“Ako, nanlalalaki? Hellow?!”

ASAR NA ASAR si Ara Mina sa nagnakaw ng motorsiklo ng kapatid niya, kaya nag-message pa si Ara sa kanyang Twitter account na sana ay pagpalain ng Diyos ang nagnakaw ng motor ng kapatid niya.

We know na itong si Ara was just sarcastic sa kanyang message sa magnanakaw.

Pero kung sa amin ‘yan, ipapanalangin namin na mahuli siya ng mga pulis at pagdusahan niya sa kulungan ang kanyang kasalanan.

Baka nga pagpalain pa ‘yan eh, manganak pa ang angkan niyan at dumami pang lalo ang mga magnanakaw, ‘no!

Me ibinebentang motor sa amin, hindi kaya ito ‘yung motor ng kapatid ni Ara? Jowk!

Basta ingat na lang next time. Ang importante, hindi nadisgrasya sa motor ang kapatid niya, kayang bawiin ‘yan, ‘andiyan naman si ate, eh!

NAKAKALOKAH, PINAG-UUSAPAN SA Twitter kung sino ang magdyowang ni-rush sa ospital dahil sa isang nakahihiyang pangyayari.

Ano ba’ng nangyari?

Eh, ito nga. Nakatalukbong daw ng kumot na parang nananakot na sumugod ang dalawa ng hospital.

Para raw itong magkakambal, nagdikit ang katawan at kahit gusto nilang maghiwalay eh, ayaw silang paghiwalayin ng pagkakataon.

Dahil nakapasok ang ari ng lalaki sa ari ng babae, ayaw matanggal. Kaya ang tsismisan sa ospital, grabe naman daw ang muscle control ng babae!

O, grabe lang ang pagmamahal, kaya bumabad to death sa kaibuturan ng babae ang butu nu’ng guy?

Ang tawag daw doon ay “vaginismus” at may mga gano’n daw na insidente talaga.

At ang suspek nu’ng una ay ang mga bagets daw na sina J at S. Kinumpirma pa raw ito ng ex-gf ni J sa Twitter account nito.

May nag-send naman ng direct message sa twitter account namin na sina D at A daw ‘yon at me pictures pa raw na hawak ang kaibigan niyang nurse.

Kami naman, personally, hindi naniniwala. Dahil mga artista ‘yan eh, ‘di sana, tumawag na lang sila ng doktor, ‘di ba?

Saka sa tensiyon naman, ‘di ba lalambot ang notes ng guy para mahatak na niya mula sa pagkakahigop ang notes niya?

Ewan ko. Hanggang walang konkretong kuwento at ebidensiya, hindi kami naniniwala.

Naniniwala kami na hindi marunong magsinungaling ang ebidensiya.

Ayaw ng SOCO ng ganyan.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Rommel Placente, Ms. F at Francis Simeon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Ara Mina, gusto pang pagpalain ang nagnakaw ng motorsiklo ng kapatid

  1. common sense nman db? sympre magpapatawag ng doctor yang mga yan if its true tanga ba cla na magpapadala sa ospitan na ganun ang sitwasyon nila!!!!! naku mga tao tlga makagawa lang ng tsismis db? ang maniwala may sense wla lang common peace hahahahaha

  2. Oo nga maski ako hnd nnwla ..tpos meron nmn dw na si Jake cunca ..hay nako …basta ang alm ntn ..Kht ang artista tiggng prin sa sex…

  3. nagsalita tungkol sa blind item si Boy Abunda sa SNN at dinefend si shaina tungkol dito. hindi daw totoo dahil parehong busy sa trabaho si shaina at john lloyd.

    … defensive much, tito boy? :p

  4. kelan ba nangyari toh? pagkatapos ba ng star magic ball?? may nabasa ako dito sa parazzi na BI, august 27 ata na publish sa site, so matagal na ba itong issue?? hmmm ewan ko kung totoo.. i think shaina and JL are too smart to go to the hospital, alam nilang maraming tao doon. kung may evidence, then maniniwala ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published.