Ara Mina found herself a rich boyfriend

MATAPANG NA SINAGOT kamakailan ni Ara Mina ang sampung pinakamaiinit na mga katanungan sa kanya ni Kris (Aquino) sa The Buzz’s Tough Ten.

Sinabi ni Ara na isang partner in life ang sa palagay niya ay kulang pang aspeto sa kanyang buhay.

Ara thinks Cristine is sexier than her pero mas masipag daw siyang kumanta kaysa sa kanyang kapatid.

If given the chance to sit right next to Pops Fernandez, ang una raw niyang itatanong kay Pops about Jomari Yllana ay kung kailan nila balak magpakasal.

Masaya si Ara sa piling ng kanyang businessman boyfriend. She gave some hints about her boyfriend’s identity. He is of Chinese descent who comes from a prominent family. “I met his dad, mom and siblings. They watched Mano Po and they liked it,” she said. Incidentally, Kris and Ara both starred in the movie na tungkol sa buhay ng Filipino-Chinese families.

Tinanong si Ara kung ano ang kanyang maipapayo sa next girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Polo Ravales. “Deadma na lang,” was her short reply.

Sana raw ay matapos na ang isyu tungkol sa kanila ni Manny Pacquaio.

Hindi raw niya alam kung sino ang mas mayaman sa kanila ni Cristine ngayon. Nag-i-invest si Ara sa bahay at alahas. Ara admitted that she borrowed money from Cristine when she produced their movie Ate.

Nag-iipon daw siya ngayon para mabayaran niya si Cristine.

Ara sold her house in Fernwood Village pero may bagong bahay siya ngayon. Inaayos ang kitchen ng kanyang Café Mina but they will re-open soon.

If she were to ask for forgiveness from someone, it would be her mom. Hihingi raw siya ng tawad for not listening to her about her past boyfriends.

Hindi raw siya ang makapagsasabi kung nalampasan na siya ni Cristine sa showbiz. “I’m happy for my sister.” Pagbutihan pa raw sana ni Cristine to prove that she can really act.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.