Ara Mina, drum-drum na ang iniluha kay Manny Pacquiao! – Eddie Littlefield

KAHIT MAY Krista Ranillo na iniuugnay ngayon kay Manny Pacquiao, patuloy pa ring nakakaladkad ang pangalan ni Ara Mina. Ayaw pa rin siyang hiwalayan ng intriga, nakakabit pa rin ang pangalan niya sa Boxing Superstar. Nagtataka lang ang actress/singer kung bakit hanggang ngayon ayaw pa rin siyang patahimikin.

“Hindi pa ba patay ‘yung issue tungkol sa amin ni Manny? Hindi ko alam kung bakit iniuugnay pa rin ako sa kanya. May pelikula kasi sina Manny at Krista kaya nagiging sentro sila ngayon ng intriga. Hintayin nating maipalabas ang kanilang pelikula at kung sino naman ang susunod na magiging leading lady niya. Hindi naman puwedeng i-link si Manny kay Marian Rivera dahil may Dingdong Dantes. Kasi nu’ng time namin, wala pa akong boyfriend. Ngayon may boyfriend na ako, lumilihis na ‘yung tungkol sa amin ni Manny, kay Krista naman siya iniuugnay.” Pasimula ng dalaga.

Sa totoo lang, controversial star si Ara, hindi nawawalan ng issue tungkol sa kanya. Aminin man o hindi ng dalaga, apektado siya kapag sinasabing babae raw siya ni Manny. “Actually, pagod na ako lalo na ‘yung Pacquiao days, ilang drum na ang iniluha ko du’n. Kasi, ang feeling nila, everywhere I go, si Manny ang nakikita nila sa akin, ano ba ito? Nakakairita, especially ‘yung house ko, binabayaran ko pa ‘yun hanggang ngayon. Kung bigay niya, excuse me, bakit ‘di niya binayaran ng buo, di ba? Kung praktikal ka, magbibigay ka lang, bakit hulugan pa? Ang feeling ko, may nanggagatong kay Jinkee kay ganu’n ang naging reaction niya sa akin noon. Two years akong nagdusa, grabe as in, talagang hindi ko ma-take ‘yung mga ano. ‘Yung mga text, ‘pag babasahin mo parang, ano ba ito? Nakakaawa naman ako, ganoon na ba ako ka-desperate? Daming nanligaw sa aking mayaman, hindi ko sinagot. Alam mo naman ako, maprinsipyo rin ako sa buhay, nagtatrabaho naman ako. Kung mahilig ako sa mayaman ‘di sana ‘yung past boyfriend kong mga rich… puso pa rin kasi ang umiral, eh,”paliwanag niya.

Inamin ni Ara na very much happy siya ngayon sa non-showbiz boyfriend. Walang intriga, very smooth ang relationship ng dalawa. Kailan naman kaya sila lalagay sa tahimik? “Maybe 3 years from now, puwede na siguro akong magpakasal. Dapat siguro, mag-propose muna siya, kapag hindi pa siya nag-propose within two years, goodbye!

“Maganda ang relationship namin kahit one year pa lang kami, tahimik ‘yung buhay ko ngayon. Unlike ‘yung mga past relationship ko, palaging may controversy. Nagkita lang kami sa TV biglaan, wala akong masabi, hindi kasi siya kilala ng mga tao. Sobrang ini-enjoy ko ‘yung relationship namin. Bihira lang akong magpa-interview lalo na kung hindi related sa lovelife ko,” say pa niya.

Ang maganda kay Ara, ipinagtapat niya sa kanyang boyfriend ang mga lalaking nakarelasyon niya in the past, wala siyang itinago. Nagpakatotoo sa kanyang sarili at sa lalaking mahal niya. “Kung hindi ko sinabi sa kanya, hindi pa niya malalaman. Kasi, hindi naman siya nanonood ng local channel, hindi naman siya foreigner. Sobrang busy niya, nasa office kasi siya everyday. Hindi nga niya alam kung ano ‘yung ‘24 Oras’at ‘TV Patrol.’

“CNN and Discovery Channel ang pinapanood niya, very limited channels lang. Ako ang nagturo sa kanya na ang Channel 2, ABS-CBN, Channel 7, GMA… at saka wala siyang gaanong kilalang artista. Kilala niya ako because napanood niya ako sa Mano Po. ‘Yung istorya ng Mano Po parang istorya ng family niya. ‘Yung Mom niya pure Filipina, ‘yung Dad niya pure Chinese so ‘yun, kilala nila ako,” paliwanag ni Ara.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Ara Mina, drum-drum na ang iniluha kay Manny Pacquiao! – Eddie Littlefield

  1. Lahat nag mga kabit at kumakabit will rot in hell. Yung bahay niya ay bigay ni Manny. Dine-deny pa niya pero alam na ng lahat. Pati ang design ay kahawig daw ng design ng bahay ni Manny sa Gen San. At kumpirmado pa ng secretary ni Manny yon. So shut-up Ara, palibhasa anak ng kabit, kaya sino pa ang gagayahin kundi ang nanay niyang kabit din!!!
    Kawawa naman ang tanga niyang boyfriend…BOBO!!!Magdusa ka!!!

  2. grabe ka ara,sa kasinungalingan nangunguna ka din!!
    nung mag bakasyon kame sa negros kilalang kilala ka dhil dun ka daw dinadla ni manny kapal ng face mo neng..

  3. ang kapal mo ara! madaming may alam dito sa LA CA na nakikipagkita ka kay manny no! hwg ka mgdeny ara, ang kapal mo….lier ka sobra! ung bahay mo bayad na yan dahil si manny ngbigay ok! hangang ngayon panay huthot mo ng pera kay manny aminin mo na! wala ka kawala ara madami kaming alam syo na paghingi-hingi mo ng pera kay manny! kapal mo! alala mo ba ang HOLIDAY INN sa NOrwalk CA ara huh?!? grabe, dapat ikaw ang giyerahin ni jinkee dahil ikaw umuubos ng pera ni manny!!!!! lalabas din ang baho mo…sooooon!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.