Ara Mina, ‘di na maramdaman na kapatid pa si Cristine Reyes!

MUKHANG MALABO na talagang magkaayos ang magkapatid na Cristine Reyes at Ara Mina dahil sa recent interview kay Ara Mina, ito mismo ang nagsabing wala namang effort na ginagawa si Cristine para magkaayos at ni simpleng text daw ay wala itong nare-receive sa kanyang nakababatang kapatid na taliwas sa sinasabi ni Cristine sa kanyang mga interview na nag-e-effort siya para magkaayos silang mag-ate at ng kanyang pamilya.

Tsika pa ni Ara Mina, hindi na nga raw nito nararamdaman ang pagiging magkapatid nila ni Cristine sa mga nangyayari sa kanila. Feeling nga raw nito, hindi totoo ang mga ipinapakita ni Cristine noong mga okey pala sila at pagbabalat-kayo lang pala.

Dagdag pa nito na tuloy pa rin ang kasong isinampa niya sa kanyang kapatid na pakiramdam nito ay ini-enjoy pa ni Cristine ang demandang isinampa niya rito at hindi man lamang nababahala.

 

HAPPY ANG grupong UPGRADE na kinabibilangan nina KCee Martinez, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Mark Baracael, Ron Galang, Armond Bernas at Miggy San Pablo dahil sa magandang ratings na nakuha nang mag-guest sila sa I-Juander hosted by Cesar Apolinario at Susan Enriquez.

Bukod sa magandang ratings ay nag-trending pa ito ng hindi lang isa kung hindi 7 beses sa Twitter Philippines at Worldwide. Kaya naman daw happy ang mga taong bumubuo sa said show. Balita nga namin, maggi-guest ulit ang grupo sa I-Juander dahil marami ang nagre-request na bumalik sa nasabing show ang UPGRADE.

Naging espesyal na panauhin din ang grupo sa Barangay LS97.1 sa programa ni Mama Belle, kung saan 2 beses nag-trending sa number 2 at number 3 slot nang magkasunod na araw ang guesting ng mga ito sa programa ni Mama Belle.

Dinumog din ang grupo sa kanilang guesting sa National University sa Manila, kung saan nag-trending din sa Philippines through Twitter ang kanilang pagpunta sa nasabing unibersidad.

Abangan pa ang paglibot ng UPGRADE sa Jan. 25 – Colegio De Sto. Cristo De Burgos sa Sariyaya, Quezon; Jan. 31 – St. Anne College, Lucena; Feb. 2 – Mr. And Ms. Olive C Campus Model Search sa AFP Theater; Feb. 8, St. Mary’s College of Meycauayan; Feb. 12, Meycauayan College; Feb. 13, Tanay Town Center, Tanay, Rizal; Feb. 14, Premiere Plaza, Silang, Cavite; at March 15, Perpetual Help College Manila.

 

PALABAS NA sa mga sinehan ang pelikulang Kaniig (Bedmates) na pinagbibidahan nina Glenn (John Canterbury) na gumaganap bilang isang indie film actor na gustong mabuhay sa sariling kayod at hindi umaasa sa kanyang mga magulang at Lucas (Lawrence Manalo) ang college bestfriend nito na kasama niyang nani-nirahan sa loob ng 5 taon.

Kasama rin sa pelikula sina Dindo (Alvin Duckert), Bobby (Marco Ronquillo), Lorraine (Honey Lopez) & Queenie (Ruby dela Rosa) , Mamu (John Fontanilla) manager/friend of Glenn, also friend of Queenie. He knows the secrets of Glenn and Lucas.

Bukod sa maiinit na eksena, kapupulutan ito ng aral. Kaya naman daw magkaiba man ang pag-ibig, puso pa rin ang mananaig! Ito’y mula sa direksyon ni G. A Villafuerte.

 

MARAMING NAG-AABANG sa mga tweet at post ni Sunshine Cruz sa Twitter at Instagram pagkatapos ilabas ang pictures nina Cesar Montano at karelasyon daw nitong si Krista Miller.

Sa ngayon, wala pang tweet si Sunshine at tanging ang kanilang tatlong anak nina Cesar ang nagpo-post at nagtu-tweet at nagpapasalamat sa concern ng pinsang si Geneva Cruz. Hindi na nga napigil pa ang pinsan ni Sunshine na si Geneva  na nagpahaging ng maaanghang na mensahe kay Krista na kasama pala sa The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim.

Sa ngayon, wala pa ring pahayag si Cesar sa kontrobersiyang nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya. At kahit nga ang balitang hiwalay na sila ulit ni Sunshine ay hindi pa rin sinasagot ng award-winning actor.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Ara Mina, ‘di na maramdaman na kapatid pa si Cristine Reyes!

  1. ano na namang itong kaniig na ito, another indie film na may temang kabaklaan? hmmm… mukhang maganda huh! at mukhang katakam-takam ang mga lalaki hahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.