Ara Mina, birthday wish na mahanap na ang lalaking magmamahal sa kanya

Ara Mina

KAPANSIN-PANSIN na ang lahat ng birthday wish ng mga celebrity friends kay Ara Mina ay ang magkaroon na ito ng love life.

“Oo nga. Eh, yon na lang naman talaga ang kulang, di ba?  Di bale, nararamdaman ko parating na yon this year. May mga prospect na. Kinikilatis pa natin,” natatawang reaksyon ni Ara.

Katatapos lang mag-celebrate ni Ara ng kanyang 40th birthday noong May 9 na dinaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa showbiz.

Eh, ano bang katangian ang hinahanap niya ngayon sa isang future boyfriend?

“Hinahanap ko ngayon sa lalaki yung mas mahal ako. Gusto ko yung mas mahal ako at saka responsible, mamahalin din si Mandy and marunong sa buhay tapos mapagmahal,” lahad niya.

Samantala, wala sa birthday celebration ang ex-boyfriend ni Ara na si Mayor Patrick Meneses na nananatili niyang kaibigan kahit wala na silang relasyon. Busy ito sa kampanya that night pero meron naman itong video message sa aktres.

Kapansin-pansin na sa video greetings ni Patrick kay Ara na “my labs” pa rin ang tawag nito sa ex-girlfriend.

Aniya, “Ganun naman yon. Diyos ko, apat na taon na kaming hiwalay pero my labs pa rin. Siguro kahit may asawa na ako… hindi ko lang alam, baka my labs pa rin ang tawag niya sa akin.”

 Kinikilig pa rin ba siya kay Patrick?

“Hindi. Ano na, more on parang mag-best friend na kami. Natutunan ko na mag-move-on,” sagot ni Ara.

 

 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.