Ara Mina, bilib sa pagiging huwarang artista ni Liza Soberano

Ara Mina and Liza Soberano

Ara Mina and Liza Soberano

For Ara Mina, isa si Liza Soberano sa mga huwarang artista.

“Minsan may nakatrabaho ako, wala pang mga name pero grabe ang attitude. Pero ito, nandoon na siya. At lahat naman ng nakatrabaho niya, nagsasabi na wala silang walang bad experience. Saka ano pa siya, nag-aaral pa siya. In between takes, nag-aaral siya,” say ni Ara sa second birthday party ng daughter niyang si Amanda.

Agad-agad na tinanggap ni Ara na maging mommy ni Liza sa isang project.

“Hindi ako nagdalawang-isip nang sinabing mommy ako ni Liza. Dati kasi, nagdadalawang-isip ako. ‘Ilang taon na ba ‘yan?’ Kasi ‘di ba minsan ‘yung mga network, ‘mommy ka niyan?’ Ibig sabihin 8 years old pa lang nanganak na ako? Sobrang gusto ko siya sa generation ngayon. Napaka-down to earth niya. Wala siyang arte. ‘Pag pagod na siya, hindi mo siya mariringgan ng reklamo, hindi siya nagta-tantrum.”

Present sa party ang father ni baby Amanda na si Mayor Patrick Meneses.  

“Single pa rin ako pero we’re friends. Nakita n’yo naman. Hindi ko ipinagdadamot ang anak ko sa kanya. Kasi kapag pinagkait mo, bitter-bitteran ka pa. naka-move on na ako. Kasi two years na, kung babalikan niya ako ‘di ba dapat may move na siya,” say ni Ara.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.