Ara Mina, ayaw nang maghubad! – Pilar Mateo

SISID SA DUETS: WALA naman daw dumating na invitation sa kanya from Jomari Yllana para maka-dueto niya sa Celebrity Duets, ayon sa leading lady ni Allen Dizon sa Marino na si Ara Mina.

Tinanong kasi ang aktres kung willing ba siyang maka-partner ni Joms sa nasabing show at magkantahan.

“Alangan namang ako ang magprisinta, ‘di ba? Pero kahit na mag-invite siya ngayon, mukhang hindi ko na rin maa-accommodate kasi may nauna na sa kanya. I think si Nonito Donaire ang makaka-duet ko dahil ako raw ang hiniling. Pero hindi ko pa alam kung ano ‘yung materyal na gagawin namin.”

Matapos niyang umabay sa kasal ni Klaudia Koronel, ang ibig daw bang sabihin nito, eh, siya na ang susunod na lalakad patungo sa altar?

“Sa estado ko ngayon, masasabi ko na ready na ako to plunge into marriage. Kaya lang, hindi agad-agad. Papunta pa lang doon dahil hindi naman puwedeng mag-isa lang akong lumakad du’n, ano? Siyempre, kung kelan namin maplano ng boyfriend ko ‘yun at saka pa lang mangyayari. At saka bago pa lang naman ang relasyon namin, so, marami pa rin kaming dapat na asikasuhin. Hindi naman kami kailangang magmadaling-magmadali.”

Dahil mahilig pala sa wakeboarding ang kanyang boyfriend na si Raymond Yap, natuto tuloy si Ara na enjoy-in ang nasabing sports.

Walang kissing o bed scene si Ara sa Marino. Kay Krista Ranillo raw ito natoka. Does it mean na pinagbabawalan na rin siya ng boyfriend niya ngayon na magpa-sexy?

“Hindi naman. Pero nagawa ko na naman ‘yun before at mas gusto ko mag-concentrate sa mas mature ng mga roles. Pa-sexy na suot, okay lang. Kiss-kiss, okay rin. Pero, hindi na magbe-bare. Sarili kong desisyon ‘yon. Ibigay na lang natin siya sa kapatid ko (Cristine Reyes).

Piolo Pascual, todo support kay Eugene Domingo

ARE YOU A KIMMY or a Dora?: Nagpa-special press preview ang Spring Productions nina Piolo Pascial, Shane Sarte, Erickson Raymundo at Bb. Joyce Bernal para sa launching movie ni Eugene Domingo-ang Kimmy Dora sa sosyal na Shang Mall.

At kahit na bumubuhos ang ulan, happy pa rin ang bida na si Uge dahil sign daw ng pouring of blessings ‘yun para sa kanila ng mga kasama niyang bumuo sa pelikula.

Dito rin nakita na maraming press talaga ang nagmamahal kay Uge pati na sa mga producers niya dahil bumuhos din ang attendance ng mga manunulat.

Ipinagpapasalamat ng mabuti ni Uge na mapapanood sa lahat ng SM Malls ang kanilang pelikula.

“Not for anything naman. Siyempre, alam naman natin kung saan na nasanay na pumunta ang ating mga manonood. Kaya thankful din kami nina Direk Joyce at Piolo sa pagbibigay sa amin ng Star Cinema na maipa-distribute ito sa iba (Solar Films). Ngayon ko lang nakita nang buo ang pelikula at gusto kong kasama ko kayong tumawa para makakuha rin ng feedback at comments.”

Hindi nga madali ang role rito ni Uge bilang kambal. At kahit nga may double na naka-antabay sa kanya para sa mga may halo’ng aksyon niyang eksena, si Uge na rin pala ang tumira nito.

In fairness,naaliw kina Kimmy at Dora ang mga manonood lalo na sa aso nilang si Mikky!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

9 thoughts on “Ara Mina, ayaw nang maghubad! – Pilar Mateo

  1. ara, my twin sistah kamuka daw kita eh chaka ka size pa! hehe..(epal lang) sana naman kung di totoo yung inyu ni manny pac, wag ka mapipikon sa mga interbyu tulad kanina napanood ku sa snn nagtaray ka n naman, kung inde totoo bat di ka makasagot ng maayos….duh!!!!Im so Duda!

  2. Dapat lang ano!!!Pag naghubad siya, wala nang manonood!!! Puro taba ang makikita. Walang kuwenta.

    Deny pa ke Manny Pacquiao, huling huli naman at bentado at tsinitsismis ng mga kasamahan ni Pacman. Pinagtatawanan ka nila, Ara MIna.

  3. kadiri na talaga kung maghubad pa, baka langawin pa ang pelikula. laylay na ang suso nya at balyena pa. bagay sa kanya ay papel ng mga matrona.

Leave a Reply

Your email address will not be published.