Ara Mina, atat bumalik sa gag show

Kahit itinatanggi ni Ara Mina na may away sila ng kapatid niyang si Cristine Reyes, halata pa ring meron dahil hindi pa raw sila nagkausap o nagkita.

Medyo natagalan siya sa Amerika dahil may series of shows siya roon, at magmula nang bumalik siya, hindi pa raw sila nagkausap na magkapatid. Sabi lang niya, “I’m just a text or call away,” kaya kung gugustuhin ni Cristine puwede siyang tawagan anytime.

Hindi na raw niya ngayon pinapakialaman ang pagpapatakbo ng career ng young actress dahil nandiyan naman daw ang Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario na manager nito.

Matagal na raw silang hindi nagkausap o nagkita. Kapag may mga family affair lang daw sila nagkikita pero sandali lang daw at hindi na sila nag-uusap ng tungkol sa kanilang buhay.

Nang hingan ito ng reaksyon sa break-up nina Cristine at Dennis Trillo, kaagad niyang tinapos ang usapan. “No comment na ako diyan. Ayoko nang pag-usapan iyan,”sagot agad nito.

Mas gusto na raw ngayon ni Ara na tahimik na lang at sa totoo lang, hindi na nga raw siya nanonood ngayon ng mga showbiz talk show o nagbabasa ng diyaryo dahil ayaw na raw niyang magpaapekto sa mga intriga.

Ang isa pang dahilan ay ang kanyang non-showbiz boyfriend na napaka-private naman daw kaya ayaw na niyang ma-expose ito sa showbiz.

Happy na raw siya ngayon sa boyfriend niya at hindi naman daw ito nakikialam sa takbo ng showbiz career niya.

Itinatanggi naman nitong nakatakda na silang magpakasal. “Wala pa naman akong engagement ring, wala pa sa usapan namin iyun,” sabay pakita ng dalawa niyang kamay na wala namang suot na singsing.

Wala pang kasunod na project si Ara sa GMA-7 pero umaasa naman daw siyang hindi siya pababayaan at sana nga makabalik na raw siya sa Bubble Gang.

Sa ngayon ay pinagkaabalahan muna ni Ara ang indie movie niyang Marino na malapit nang ipalabas. Kasama niya dito sina Allen Dizon, Krista Ranillo, Emilio Garcia, Victor Basa at Bangs Garcia.

IN FAIRNESS KAY Mommy Dionesia Pacquiao, maganda ang exposure niya sa Ginebra San Miguel at ang dami ngang nagtatanong kung sino ang nag-make-up sa kanya roon dahil maganda ang ayos nito.

Ngayon naman ay may bago na naman siya na ini-launch sa SOP nu’ng Linggo kasama ang buong pamilya ni Manny Pacquiao.

Kaya may sarili nang kita si Mommy Dionesia at hindi na siya umaasa sa bigay ni Manny.

Pero sey naman ng Pambansang Kamao, hindi pa rin daw siya nagkukulang sa pagbigay ng sustento sa nanay niya. “Monthly iyan, tuloy pa rin iyan kahit may mga projects na siya,” pahayag ni Manny.

Ngayon naman ay naiintriga na sila dahil ang karamihang tanong sa amin, type kaya ni Jinkee Pacquiao ang mas bonggang exposure at pagpansin kay Mommy Dionesia?

by Gorgy’s Park

loading...

2 thoughts on “Ara Mina, atat bumalik sa gag show

Leave a Reply

Your email address will not be published.