Ara Mina and boyfriend, nag-honeymoon sa China?!

NAINTRIGA PALA ANG ilang mga nakaalam na nag-bakasyon sa China recently ang aktres na si Ara Mina. Kasi nga, may ilang Pinoy na nakakita sa kanya sa nasabing bansa at inalam nila kung may show roon ang aktres pero wala naman daw.

Kasama ni Ara sa nasabing lakad ang bagong inspirasyon nito sa buhay ngayon. Hindi naman ikinaila ni Ara na isinama siya roon ni RY dahil may trabaho pala ito roon at para rin makapagpahinga ang aktres na sinusubaybayan sa papel na ginagampanan niya sa Dapat Ka Bang Mahalin, bilang isang seductress.

Panay rin ang rampa ni Ara kasi sa mga out-of-town shows and last Wednesday nga eh, nasa Samar ito para rin sa isang show. Sa mga nakasalubong na Pinoy ni Ara sa China, marami ang nagsabing sweet na sweet ito at ang kasama niya.

Ang iba namang intrigero, ang tanong na agad eh, kung nag-honeymoon na raw ba sa nasabing bayan si Ara? At sa mga nakakasubaybay sa takbo ng personal na buhay nito, may mga nakakaalam pa nga na hindi naman ‘yun ang first time na lumabas ng bansa ni Ara kasama ang kanyang Papa (the last one was in HongKong).

Nang ikuwento ko kay Ara ang nasabing feedback, simple lang ang isinagot nito sa akin. “Oh, well, there’s no issue about it. Ang corny, ha? Para may masabi lang. Hindi naman kami bagong kasal. Kaloka! Kung honeymoon, dapat Europe tour!”

So, walang mag-iisip na kasal na o magpapa-kasal na sila? “Wala pa po!”

Namasyal nga lang daw sila roon ni RY, na may trabahong ginawa roon.

Tungkol naman sa napabalitang pagtakbo ni Ara sa pulitika sa 2010, simple rin ang sagot ng dalaga: “May possibility, pero ayoko pang mag-confirm hangga’t hindi pa 100% sure!”

By June 24 naman, lilipad siya uli sa Amerika para sa ilang shows sa Cache Creek Casino Resort sa Brooks, California (June26); sa  Heritage Forum in Anaheim, California (June 28); sa Ichiban sa San Francisco (June 29); sa July 3 in Seattle, July 5 sa Oxnard Convention Center at may iba pa. Dapat, dalawang shows lang ang gagawin ni Ara sa Amerika dahil July 3, eh, nasa Marawi (Lanao) siya. Pero kahit nakumpirma na ito, hindi na pinayagang mag-show roon ang seksing aktres. Umiiwas lang daw ang mga promoter na may magka-gusto kay Ara at magaya sa aktres na si Alma Moreno. Ang maganda lang sa mga kausap ni Ara, kahit na nakapag-down na sila, hindi na kinuha ang goodwill money sa aktres. Very generous indeed!

MAMAYANG GABI, LALANTAD sa entablado ng Zirkoh-Greenhills si Katrina Halili, kasama ng komedyanang si Gladys Guevarra at Mahal para sa isang special show na ipo-produce ni Marlon Limpim entitled I Am What I Am.

Sa kabila ng mga ini-inda niyang problema sa kasalukuyan, sumisige pa rin si Katrna sa kanyang trabaho, lalo na sa mga commitments na dati na niyang nasagutan.

Silipin natin tonight si Katrina-at baka makausap natin siya ng masinsinan backstage!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Ara Mina and boyfriend, nag-honeymoon sa China?!

  1. Siguro totoo. Lahat nang write ups niya tungkol kay Ara Mina, parang naroroon rin siya. Lagi ba siyang akay ni Ara o nakiangkas siya sa suit case ni Ara? Pero nahahaluan din nang salitang DAW.

  2. kantot aso na naman sigurado etong si ARA sige pa sige pa siggggggggggggge paaaaa ah aha ha ah ah ! YESSSSSSSSSSSSSS!!!!!!

  3. Pilar Mateo, mahilig ka talaga sa salitang DAW. Hindi ka kasi sigurado sa mga write ups mo. Mag research ka naman. Huwag ka lang umasa sa tsimis na walang basehan. DAW DAW DAW.

Leave a Reply

Your email address will not be published.