Ara Mina, ‘di papayag na maunang ikasal si Cristine Reyes!

MARIING PINABULAANAN NG managers ni Kris Aquino na sina Deo Endrinal at Boy Abunda na buntis ang TV host na papauwi pa lang ngayong 4:00 AM flight, July 30 via PAL galing sa ilang linggong pagbabakasyon mula sa Los Angeles.

Nag-react si Endrinal through media friends at si Abunda naman sa SNN nu’ng Miyerkules. May nakakita raw marahil kay Kris na nagpunta sa kanyang OB Gyne clinic isang linggo bago ito umalis for US, pero kumuha lang ito doon ng clearance para sa bagong cervical cancer ad na gagawin ni Kris.

“Grabe namang magbalita ang mga tao!” quoted si Endrinal as saying. Sinabi naman ni Abunda na matatandaang mahihirapan nang magbuntis muli si Kris pagkasilang nito kay Baby James, at aniya’y regular ang communication nila ng Presidential Sister. Sinabi pa nitong regular naman daw ang menstruation niya, kaya not true na buntis siya.

Sinabi pa ni Abunda na may exclusive interview siya with Kris sa SNN tonight (Friday) upang sagutin ang false alarm na balita, at ang pagpayag niya sa offer ng ABS-CBN upang gawin ang Pilipinas, Win Na Win na siyang papalit sa Wowowee simula bukas, July 31.

Buong araw today ang final rehearsal and dry run ng bagong Kapamilya noontime show ni Kris with co-host Robin Padilla, kasama rin sina Pokwang, Mariel Rodriguez, at Valerie Concepcion na mga ‘di makapaniwala sa good news from the ABS-CBN Management.

Handa na ngang banggain ng Pilipinas Win Na Win ang 31-year-old Eat Bulaga nina Tito, Vic, and Joey sa GMA.  Samantala, sa official statement ng Dos ay bibigyan pa rin ng ibang show si Willie Revillame.

NAHINGAN NAMIN NG reaksiyon si Ara Mina kung pabor ito sa napapabalitang karelasyon ngayon ng kapatid niyang si Cristine Reyes na si Rayver Cruz, bagamat wala pang pag-amin sina Cristine at Rayver. Ito ang isa sa mga naitanong kay Ara sa presscon ng Ilumina ng GMA-7.

Say ni Ara, nakatrabaho na niya si Rayver sa Kiss Muna (ng Siyete), bago pa ito nag-ABS-CBN. “Bata pa siya noon, anak siya nina Elizabeth Oropesa at Joey de Leon. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya kasi kapag nakakasama ko sa show, nagiging close ko,” say ni Ara.

Naririnig rin daw niya from their mom, at huwag naman daw sanang magalit si Cristine, kung sabihin niyang magkaibigan sila ni Rayver talaga ngayon.

“Marespeto si Rayver sa mom ko. Importante ‘yon. Kung nanliligaw, ayokong magtanong kay Cristine, eh.”

Magkaiba na rin daw sila ng bahay ng kapatid kaya hindi niya nakikita kung pumupunta rito ang young actor. Ang magkapitbahay daw ay ‘yung mommy nila at si Cristine.

“Ayokong magtanong kay Cristine unless siya ang mag-open up,” say ni Ara, na nagsabing “boto” naman ito kay Rayver dahil guwapo ito at mabait.

“Pero siguro, hinay-hinay lang muna, ‘wag biglaan.”

Ang hindi lang makapapayag si Ara ay ang mauna pang ikasal ang kapatid na si Cristine kesa sa kanya.

31 years old ngayon ang aktres, pero sabi nito, binibigyan niya ng “ultimatum” ang sarili na dapat ay maikasal na siya bago siya mag-34 years old. May non-showbiz boyfriend ngayon si Ara and their going strong for two years now.

Pipigilan niya si Cristine sakaling type nitong maunang pakasal?

“Hindi naman. Kung kinakailangang i-confront ko na ‘yung boyfriend ko, iko-confront ko na… na, ‘Hoy, uunahan na ako ni Cristine, kaya halika na!’” tawa niya ulit.

Paano kung mabuntis si Cristine at kinailangang magpakasal na?

“Mabuntis? My God! Walo na ang mga pamangkin ko, ‘no!” sambit ni Ara. “Siguro naman alam niyang protek-tahan ang sarili niya, and ganda ng career niya ngayon. So, I don’t think na pababayaan niya na ganu’n ang mangyari.”

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

5 thoughts on “Ara Mina, ‘di papayag na maunang ikasal si Cristine Reyes!

  1. ako ay isang biktima ng tv host na baklitang c raymund g. pinic up nya ako sa ortigas sa driver nya sya nagutos na presyuhan ako . ako ay isang college student sa isang universidad d2 sa maynila pagdating namin sa hotel agad nyang tinaggal ang aking damit at pantalon at dali dali nyang chinupa ang aking ti……… at pinauuwetan nya pa ako binubunyag ko lng ito dahil kulang ang binayad nya sa akin na pinag usapan namin ng kanyang driver ay hindi akma sa presyong binayad nya sa akin kyo un nabiktima ng baklang ito lumantad na pumipic up to ng mga gwapo at papable sa kahabaan ng ortigas ako may etsura din

    • BAKIT DI KA MAGREKLAMO SA PRESINTO AT WAG MONG IPAGKALAT DITO KUNG ANO MAN ANG NANGYARI SA ‘YO (KUNG TOTOO MAN YUN). UNGAS NA LANG ANG MANINIWALA SA ‘YO TULAD MO.

  2. WALA PANG SHOW NA NAKAPAGPATAOB SA EAT BULAGA! BATA PA AKO MAY EAT BULAGA NA, HANGGANG NGAYON TATLO NA ANG ANAK KO; ANDIYAN PA RIN ANG EAT BULAGA. MARAMI NANG TUMAPAT NA SHOW, PAPALIT PALIT PALIPAT LIPAT PERO WALANG TUMAGAL KAGAYA NG RECORD BREAKING YEARS OF 30 NG EB. HINDI NAMAN AKO FAN NG EB DAHIL NANUNOOD DIN NAMAN AKO NG WOWOWEE, ATBP KAYA LANG IYON ANG TUTUO. EB IS EB.

Leave a Reply

Your email address will not be published.