Aquarian Beauties

Anne-Curtis Cristine-Reyes Heart-Evangelista Lovi-PoeFEBRUARY IS the month of love. Sabi nga nila, ang mga babaeng ipinanganak sa buwan na ito ay espesyal at siguradong mapapa-ibig nila ang mga pinaka-makikisig na barako.
Sa showbizlandia ngayon, nagre-reyna-reynahan ang ilan sa mga ‘Aquarian Beauties’. Mapa-telebisyon man o pelikula, lagi natin silang nasisilayan. Nagkataon pa na lagi silang may TVC at billboards, huh!
Sinu-sino nga ba ang mga pretty Aquarians sa showbiz ngayon na talaga namang minamahal at kinagigiliwan ng sambayanan?

HEART EVANGELISTA – Unang-una na sa listahan natin ang babaeng hahamakin ang lahat para sa pag-ibig. Hindi na ito kataka-taka dahil ipinanganak siya sa mismong Valentine’s Day! Aware ang publiko sa love history ng Chinita princess. From John Pratts to Jericho Rosales to Daniel Matsunaga and Chiz Escudero. Nagkaroon man ito ng gap sa kanyang mga magulang, masasabi namin na mukhang nasa ‘right track’ ang dalaga. With the news that she’s planning to pursue her studies again as encouraged by her current beau, it seems that true love has come her way na talaga. Magba-baboo na sa ere ngayong Biyernes ang afternoon series na Magkano Ba Ang Pag-Ibig, pero every Sunday pa rin natin ito masisilayan sa Sunday All-Stars at Startalk.

CRISTINE REYES – The controversial lady that we love! From her Starstruck Days, marami na talaga ang nagsasabing malakas ang sex appeal ng younger sister ni Ara Mina. Palaban ito hindi lang sa karera, kundi pati na rin sa usaping pag-ibig. From Mark Herras to Dennis Trillo to Rayver Cruz and Derek Ramsay, mukhang lapitin talaga ng handsome hunks ang prinsesa natin, huh! Every year nating napapanood sa big screen si Cristine at bongga lang talaga ang performance niya sa When The Love Is Gone. Nasasayt siya ngayon bilang wholesome na si Nurse Marie sa Honesto at lagare ang beauty ni ateh sa shooting ng dalawang pelikula under Viva Films. Who needs a love life if you’re that busy? Push!

LOVI POE – Ang Primera Aktresa ng Siyete ay in-demand din pagdating sa mundo ng pelikula. Last year, ilang mainstream at indie films ang pinagbidahan nito. Pinakanagmarka ang kanyang pagganap bilang Andrea sa award-winning Cinemalaya film na Sana Dati. Natapos noong Disyembre ang Akin Pa Rin Ang Bukas with high ratings at balitang siya rin ang makaka-love triangle nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes sa isang upcoming Kapuso show. Malapit na rin daw i-release ang kanyang third album. Isa pang reason kung bakit blooming ang dalaga these days ay ang nababalitang in a relationship na raw sila ni Rocco Nacino. Love it Poe!

ANNE CURTIS – Pakakabog ba ang one and only Anne Curtis? Hindi man maganda ang pagtapos ng 2013 sa Fil-Australian beauty dahil sa kinasangkutang slapping incident, hindi naman maikakailang love na love pa rin siya ng madlang pipol. Maliban sa steady lang si Ateng sa It’s Showtime, siya rin ang bagong Dyesebel ng Dos! Dream come true ito para kay Anne dahil bagets pa lang ito, lagi na niyang mini-mention sa interviews na dream role niya ang Dyesebel. Worth the wait dahil maliban sa siya ang bagong reyna ng dagat, may ilang pelikula rin itong gagawin. Balitang magre-reunite sila ni Cristine Reyes with Sam Milby for the movie The Gift at may pending movie deal ito with Kapuso’s Fredo na si Dingdong Dantes. Bongga lang, huh!
So these are four pretty ladies who successfully dominated our TV and movie screens! Sino sa kanila ang pinakapaborito mo?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.