Aprove kaya kay Dingdong… Aljur, next na itatambal kay Marian

MAY BALI-NALITA NA may bago raw karakter na ipapasok sa epicseryeng Amaya ng GMA-7 at matunog ang pangalan ni Aljur Abrenica na gaganap daw sa role bilang si Dayaw, at magiging bagong leading man ni Marian Rivera na gumaganap namang Amaya sa serye.

Ayon kay Papa Aljur, nabanggit na sa kanya ito pero hindi pa niya alam kung kailan siya mag-uumpisa. Sinabi rin ng hunk actor na excited na siyang mapabilang sa star-studded cast ng Amaya.

Hindi naman masasabing first time na magkakasama sa isang project si Aljur at Marian dahil nagkasama na rin sila noon. Pero ang tanong ng sambayanan eh, kung approve ba kay Papa Dingdong Dantes ang tambalang itey?

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Aprove kaya kay Dingdong… Aljur, next na itatambal kay Marian

Leave a Reply

Your email address will not be published.