April Boy Regino, nabubulag na dahil sa diabetes

April-Boy-ReginoNAGULAT NAMAN ako sa kuwento nilang nabubulag na raw si April Boy Regino.

Pumirma pala ito ng kontrata sa GMA Records at may gagawin na itong album.

Doon nalamang nabubulag na raw ito dahil sa diabetes. Nakakatakot ha!

Ikinuwento ni April Boy sa Startalk ang pinagdaanan niyang sakit.

Nabalita noon ang pagkaroon niya ng prostate cancer, pero alam ko nalagpasan ito ng magaling na singer.

Kaya lang nagka-diabetes naman siya at ‘yun daw ang dahilan kung bakit nabubulag na siya.

Hindi na raw talaga nakakikita ang kanang mata niya, at ang kaliwang mata naman ay 50 percent na lang daw ang vision.

Pinagsisihan lahat ni April Boy ang mga nagawa niya na kung saan inabuso nito ang katawan niya.

Malakas daw kasi siyang uminom, at talagang inabuso raw niya ang katawan niya. Kaya tingin daw niya parusa ito sa kanya ng Diyos.

Nagsisi naman itong si April Boy. Sana nga mabigyan siya uli ng isa pang pagkakataon dito sa pagpirma niya sa GMA Records.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.