APO, TODAS KAY LOLO

RIZAL – PATAY ANG 21-anyos na lalakI matapos itong pagsasaksakin ng kanyang lolo dahil sa hindi pagkakaintindihan, Linggo ng umaga sa bayan ng Tanay.

Kinilala ni Tanay Chief of Police P/Supt. Felipe Abigan ang nasawi na si Ric Ashley Dunghit, binata, residente ng Brgy. Cayabu ng nasabing bayan.

Tumakas naman ang suspek na si Marciano Dunghit, nasa hustong gulang, residente naman ng Brgy. Casava ng nasabi pa ring bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa Brgy. Cayabu.

Nabatid na naglalakad ang biktima kasama ang pinsang si Reymart Dunghit pauwi sa kanilang bahay nang masalubong ang suspek na lasing na lasing. Dahil sa lolo nila ang suspek, parehong nagmano ang dalawa sabay talikod sa matanda. Nang makahakbang ang dalawa palagpas sa matanda, agad na nagbunot ng patalim ang suspek at saka inundayan ng saksak sa tiyan ang nabiglang apo.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, matagal nang may kinikimkim na galit ang suspek sa apo at nang matiyempuhan ito ay isinagawa ang pamamaslang.

Kasong parricide ang inihandang kaso ng pulisya sa tumakas na salarin.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.