Apo ni Mayor Lino Gomez David na si Paul David Santos, lumitaw

Si Paul David Santos nang magtungo sa GRACES (Home for the Aged) sa Quezon City habang iniaabot ang kanyang donasyon sa pakikipag-ugnayan nina Ms. Daisy Caber ng DSWD at ni Ms. Rowena T. Hizon.
Si Paul David Santos nang magtungo sa GRACES (Home for the Aged) sa Quezon City habang iniaabot ang kanyang donasyon sa pakikipag-ugnayan nina Ms. Daisy Caber ng DSWD at ni Ms. Rowena T. Hizon.

KABUTIHAN AT hindi kabuti ang mensahe ni Paul David Santos ng Tarlac City, isa sa mga apo ni dating alkalde na si Lino Gomez David na nag-umpisang manungkulan noong 1966, panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ayon kay Paul, ang pagtulong ay dapat taos sa puso at walang inaasahang kapalit. Nagtungo si Paul sa DSWD-NCR upang magbigay ng cash support sa mga matatandang ulila at mga may sakit na cancer. Nagsimula si Paul na maging good Samaritan nang gumaling sa sakit na cancer ang kanyang mommy may labing limang taon na ang lumipas.

Kahit taga-Tarlac si Paul, hindi hadlang sa kanya ang tumulong sa kapwa kahit pa saang lugar ito. Nasa dugo na ni Paul ang pagtulong, pagkupkop sa kapwa, at serbisyo publiko.

Ayon kay Paul David, tayo ay dapat may PUSO, may takot sa DIYOS, at may tapat na SERBISYO (PDS). Panahon na aniya para magbago.

Nakatakdang tumakbo si Paul David Santos bilang bise alkalde ng Tarlac City sa darating na eleksiyon sa Mayo 9, 2016.

Previous articleSaksihan ang Metamorphosis ni Danna Garcel sa Music Museum
Next articleKevin Poblacion, handa na sa hamon ng showbiz

No posts to display