Apo, Lolo at Lola, Patay sa Sunog

PATAY ANG tatlong katao matapos na ma-trap sa magkakatabing silid sa nangyaring sunog kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Lamayan, Mandaluyong City.

Ayon kay Fire Chief Inspector Ferdinand Samson, hindi na nakalabas sa silid sa ikalawang palapag ng bahay ang mga biktimang sina Eduardo Yangco, Sr.; Norma; at ang kanilang apo na si Lester Yangco.

Sugatan naman ang mga magulang ni Lester at naisugod sa pinakamalapit na pagamutan matapos na malapnos ang kanilang mukha.

Batay sa salaysay ng mga testigo, tatalon na sana si Lester mula sa nasusunog na bahay ngunit binalikan nito ang kanyang lolo at lola na humihingi ng tulong kaya’t na-trap na rin ito.

Umaabot naman sa P1 milyon ang iniwang danyos ng naturang sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.