Apo, Dinonselya ni Lolo

HINDI PA nakuntento sa panghihipo ang isang 61-taong gulang na lolo sa maseselang parte ng katawan sa kanyang 13-anyos na apo, tuluyan na nitong ginahasa ang dalagita sa kanilang tahanan sa Brgy. San Rafael, San Jose del Monte City.

Sa report na nakarating kay Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ni Supt. Marcos Rivero, city police chief, ang suspek na si Arthur Ballesteros, 61 anyos, may-asawa, walang trabaho at residente ng Block 20, Lot 1, Brgy. San Rafael, San Jose del Monte City.

Base sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Liela, natutulog umano siya sa kanyang kuwarto nang pasukin siya ng kanyang lolo at sinimulang hawakan ang maseselang parte ng kanyang katawan. Hindi pa nakuntento ay pilit na ipinasok ang malaking ari nito sa basal na ari ng dalagita.

Nabatid na alas-11 ng umaga ng Mayo 16 nang maganap ang panghahalay sa biktima.

Tinakot pa ng matanda ang apo na papatayin kapag may nakaalam sa ginawa nito.

Ayon kay Supt. Rivero, matapos ang insidente, agad nagsumbong ang bata sa kanyang amain na si Eddie Ballesteros na siyang humingi ng tulong sa barangay officials para mahuli ang suspek.

Mabilis namang dinala ang suspek sa himpilan ng pulis ng SJDM na kasalukuyang nakadetine at nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.