Apl de Ap, seseryosohin na ang panliligaw kay KC Concepcion?!

SA PRESSCON ng The Voice of The Philippines na mapapanood na sa darating na June sa Kapamilya Network, inulan ng tanong si Apl de Ap tungkol sa espesyal na nararamdaman niya para kay KC Concepcion at ang balak niya na i-push ang naudlot na panunuyo niya dati sa aktres.

Naikuwento ng foreign performer na nagkaroon ng tsantsa na lumabas sila noon ni KC kasama ang ilang mga kaibigan nila. Nag-dinner, pero kailangan din niyang umalis agad dahil may flight siyang pabalik ng America nang gabing iyon. Dito ay inamin ni Apl na naging ser-yoso talaga siya kay KC nang mga panahong iyon, kung saan nagbigay nga siya ng bulaklak at bracelet sa aktres nu’ng nakaraang Pasko. Huminto na lang siya nang malaman niya na may boyfriend si KC.

Ngayong malaya na si KC at walang girlfriend si Apl de Ap, nasa pano nito ang ayain muli ang aktres para lumabas, makilala itong lalo at kung saan hahantong ang pagkakakilalang ito ay hindi nagsasarado si Apl sa anumang posibilidad.

Hiningan din namin ng reaksyon na kaya naki-paghiwalay si KC sa nakaraang foreigner boyfriend ay dahil inaya na siya nitong pakasal at hindi pa handa ang aktres/TV host sa iang seryosohan talagang relasyon. Naniniwala naman si Apl na ang matibay na pundasyon ng isang relasyon ay tunay na pagkakaibigan at handa siyang magsimula muna sila ni KC bilang magkaibigan.

Natanong din tungkol sa pagkaka-link kay Kris Aquino, ipinaliwanag naman si Apl na magkaibigan lang sila ng TV host, may mataas siyang respeto at paghanga sa pagiging masipag at determinado nito. Hanggang sa ngayon ay bukas pa rin ang komunikasyon nila, pero mabuti lamang silang magkaibigan ng Queen of All Media.

Pagdating pa lang ng bansa ilang araw na ang nakalilipas, abala na sa rehearsals at tapings para sa The Voice, para kay Apl ay magandang tulay ang The Voice of the Philippines para makahanap siya ng mga talentong Pinoy lalo’t magbubukas siya ng sarili niyang label.

 

NGAYONG KUMPIRMADONG nauwi na nga sa kasalan ang relasyong Jed Salang at Ai-Ai delas Alas, isa kami sa natutuwa na sa wakas ay natagpuan na rin ng Comedy Queen ang lalaking laan talaga para sa kanya. Ikinasal sa Las Vegas, saksi ang mga anak ng aktres at malalapit na tao sa kanila, ramdam ang kaligayahan kina Jed at Ai-Ai sa kanilang pagtataling-puso at pagbibitaw ng mga pangako na habang-buhay na silang magsasama.

Dumaan din sa pagsubok kung saan muntik-muntikan nang mauwi sa hiwalayan, pero mabuti na lamang at nagawan ng paraan at muling nagkaayos, hinihintay na lang ang pagbabalik sa bansa ng dalawa para matanong ang aktres kung nagkaroon na ba siya ng buwanang dalaw, kung saan nu’ng huli namin siyang nakapanayam ay inamin nito na ilang araw pa ang palilipasin para makumpirma kung nagdadalang-tao nga siya o hindi.

Ang aming taos-pusong pagbati kina Ai-Ai at Jed, at nawa’y gabayan lagi ng nasa Itaas ang kanilang pagsasama.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Apl de Ap, seseryosohin na ang panliligaw kay KC Concepcion?!

  1. sobrang naman manlait ang iba dito anhin mo naman ang guapo at macho kung guapo at macho rin ang gusto.. at least d man guapo tunay naman lalaki yun na!!

  2. KC /APL DE AP ..OMG i dont mean 2be mean pero edi prang BEAUTY  and da BEAST nman yan…ewan kolang kung kakayanin ni KC ang mkipgrelasyon sa gnyng itsura aldo sbi nila love is blind. at mabuting tao naman c APL…sabagay sa hollywood myron gnyan cna model heidi klum naang ganda2 naging asawa ung ngetpa at mukhang aswang na singer nasi SEAL…cguru patibayan lng ng sikmura yan kc imagine mo gnyng itsura ang makakatabi mosa pgtulog araw2  at gabi2…

    • EH SI FAFA FI LANG NAMAN ANG GWAPING SA MGA NAGING BF NI KC, DEVAH? SI RICO BLANCO, PARANG TAMBAY LANG SA KANTO. SI LINO CAYETANO, PARANG G.I. BABY LANG SA OLONGAPO, SO BAKA PWEDE NA RIN SI APL DE AP. HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.