Apelang Piyansa sa Ortega Slay, Pinayagan

PINAYAGAN NG korte ang bail petition ng isa sa mga salarin sa kontrobersiyal na kaso nang pagpatay sa Palawan-based broadcaster na si Gerry Ortega.

Base sa ipinalabas na ruling ni Palawan-Regional Trial Court Branch 52 Judge Angelo Arizala, tinukoy na wala umanong “corroborating evidence” na magtuturo sa salarin na si Romeo Seratubias hinggil sa kanyang direktang partisipasyon sa pamamaslang.

Matatandaan na si Seratubias ang sinasabing may-ari ng baril na ginamit sa pagpaslang kay Ortega noong 2011.

Pero sa kaniyang depensa, iginiit ng akusado na kanya nang naibenta ang naturang baril bago pa man naganap ang insidente.

Bunsod nito, pinayagan ng korte ang pansamantalang paglaya ni Seratubias matapos itakda sa P300,000 ang piyansa nito.

Una nang hinatulan ng habangbuhay na pagka-kabilanggo ang gunman na si Marlon Recamata matapos itong maghain ng “guilty plea.”

Sa panig naman ng pamilya Ortega, umaasa ang mga ito na mapapanagot din sa lalong panahon ang itinuturo nilang utak sa pamamaslang na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid nitong si Coron Mayor Mario Reyes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.