Apela sa Pinoy Detainees, Pinag-aaralan

PINAG-AARALAN NA umano ng Malaysian government na pagbigyan ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na ma-

tingnan ang kalagayan ng mga inarestong Filipino-Muslims, matapos mapaghina-laang kasapi ng Sulu Sulta-nate Royal Army.

Sinabi ni Malaysian Defence Minister Ahmad Zahid Hamidi na nakatakda na umanong talakayin nila, kasama si Foreign Affairs Minister Anifah Aman at mga Wisma Putra officials ang naturang usapin.

Gayunman, ipinaliwanag ng opisyal na maaari lamang umanong mangyari ang pagdalaw ng mga Pinoy officials pagkalipas ng 28-day detention period na pinapayagan sa ilalim ng Security Offenses Special Measures Act of 2012 ng Malaysia.

Sa ilalim ng bagong security act ng nasabing bansa, may kapangyarihan ang isang police officer na arestuhin, kahit walang kaukulang warrant of arrest, at i-detain ang kahit sinong pinaghihinalaan nitong sangkot sa sinasabing “security offences”. Ang detention period ay posibleng abutin ng 28 araw.

Samantala, binigyang-diin pa ng opisyal na mananatili ang kanilang paghawak sa mga detainee habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sinabi rin ni Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez na muling ipinahiwatig ng opisyal ang mariing panawagan sa Malaysian government na mabigyan ng access ang mga kinatawan ng bansa sa mga detainees at tiyaking mapangalagaan ang kanilang karapatang-pantao.

Sa ngayon, sinasabing nasa 104 suspected Kiram groups members na ang hawak ng Malaysian authorities sa Sabah.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.