Apela ni P-Noy: Lumabas at Bumoto

IPINAHATID NI PANGULONG Noynoy Aquino kahapon sa lahat ng mamamayan na sama-samang iboto ang mga karapat-dapat na pinuno ng barangay at sangguniang kabataan para sa katiyakan ng kapayapaan at kaayusan sa araw ng eleksiyon.

“This is an important chance for us to strengthen our barangay, the branch of government that first provides service to our people,” ayon kay P-Noy.

Sa inilabas na pahayag ng Pangulo kahapon, ipinaliwanag nito ang paniniwalang ang pagkakaroon ng maayos at matagumpay na eleksiyon noong nakaraang May elections, kung saan siya ang pinalad na manalo at magsilbi sa taong-bayan, ay mauulit muli sa gaganaping halalan.

“We hope with your own judgment and unity, we would be able to vote for people who are one in our desire to go to the right path,”’ tugon pa rin ni Aquino.

Nananawagan si P-Noy sa isang halalang malaya sa pandaraya at karahasan.

Inaasahan naman ang pagboto ni Aquino ngayong araw sa Central Azucarera Elementary School sa bayan nito sa Tarlac.

Handa na rin sa gaganaping eleksiyon ngayong araw ang mga election officials, para sa mahigit 42,025 na punong-barangay at 294,175 na kagawad.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.