Apela ni Corona, ibinasura ng Ombudsman

IBINASURA NG Ombudsman ang apela ni dating Chief Justice Renato Corona at misis nitong si Cristina Corona sa kaso hinggil sa umano’y mahigit P130 milyong ill-gotten wealth.

Base 15-pahinang joint order, inihayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na wala silang nakitang rason para baligtarin ang January 14, 2014 resolution alinsunod sa motion for reconsideration ng mag-asawa.

Kasabay nito, iniatas ng Ombudsman na isampa na ang petition for forfeiture kontra sa mag-asawa sa Sandigabayan, pati na ang kasong walong counts ng perjury at walong counts ng paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sinabi ng Ombudsman na umabot na sa P130,336,212.88 ang unexplained wealth ng mag-asawa dahil mahigit P8 milyon ang pagtaas sa net worth ng mga ito, may mahigit P134 milyong hindi deklaradong bank deposits noong 2010 at may mahigit P17 milyon na undervalued cost sa real properties, samantalang mahigit P30 milyon lamang ang pinagsamang kita ng dalawa.

Pahayag naman ni Corona sa naturang kaso, “It’s not ill-gotten wealth. The charge is unexplained wealth. I will give my statement tomorrow.”

Maaalala na unang itinuring ng dating punong mahistrado na panibagong pag-atake ng Palasyo sa kanya ang naturang kaso sa umano’y nakaw na yaman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Apela ni Corona, ibinasura ng Ombudsman

  1. Pingback: Apela ni Corona, ibinasura ng Ombudsman - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.