Apat na Classroom sa Bacolod, Nagliyab

NAGLIYAB ANG apat na classroom ng University of St. Lasalle Integrated School (USLS-IS) kahapon ng alas-12:30 ng madaling-araw sa Bacolod City.

Agad namang nires-pondehan ng Bacolod City-Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na tumagal lamang ng 20 minuto. Silid-aralan ng grades 1-C, 1-D, 1-E at 2-A ang natupok sa sunog.

Aabot sa P350,000 na kagamitan ng eskuwelahan ang nasunog. Suwerte namang walang naiulat na nasugatan.

Habang patuloy na inaalam ng awtoridad ang sanhi ng sunog, sinuspinde muna ang klase ng grade 1 at 2 ng USLS-IS.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.