Apartment ng Network Employee, Inakyat-Bahay

PATULOY NA iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang kuha ng CCTV camera matapos mapasok ng dalawang hinihinalang akyat bahay ang kuwarto ng isang empleyado ng TV network sa lungsod Quezon kahapon madaling araw.

Kinilala ng mga kinauukulan ang biktima na si Beverly Androl.

Ayon sa salaysay ni Androl, nalaman na lamang niya na pinasok ang kanilang inuupahang kuwarto makaraang tumawag ang isang roommate at sinabing sira na ang kanilang pintuan.

Samantala, natangay ng mga magnanakaw ang dalawang laptop at isang tablet ng biktima na nagkakahalaga ng mahigit P100,000.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.