Anton Antenorcruz mas lumakas ang kompyansa sa sarili dahil sa ‘Tawag ng Tanghalan’

Anton Antenorcruz

HINDI MAN nanalo si Anton Antenorcruz sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan season 2 ay hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na matutupad din ang pangarap niya na maging isang sikat na singer.

And that’s the right attitude, huh. Yung tipong never say die.

Aniya, “Hindi man ako nanalo pero naniniwala naman ako na may plan si God kung kailan niya ibibigay sa akin yung dream ko na makilala, sumikat as a singer.”

Just recently, pumirma ng kontrata si Anton sa ABS-CBN. Hindi lang kami sure kung ilang taon ito. Marami ring  ang alok sa kanya na mag-perform sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Sa July 28 ay kasama si Anton sa TNT All- Stars Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum. May mga TV guestings din siya sa ABS-CBN.

Ayon sa binata, malaki ang nagawa sa kanya ng TNT para lalong ma-build-up ang kanyang self confidence.

Aniya, “Sobrang laking tulong ng TNT sa akin, lalo na ngayon na tapos na yung competition. Feeling ko ano na ito, start na ito ng mas lalo dapat na hindi ko na puwedeng isipin na mawalan ng kompyansa sa sarili.

“Pero  aaminin ko na nu’ng TNT, may mga times na parang nada-down ako, na parang gusto ko na lang mag-quit noon, gusto ko na lang matapos.

“Pero happy naman ako na na-overcome ko. Kumbaga, parang unti-unti nakaya ko siyang hindi isipin, tapos mas tumatag yung loob ko at dahil yon siguro sa exposure namin,” pahayag pa ni Anton sa amin.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.