ANTIPOLO JAIL WARDEN, HINILING NA SIBAKIN

RIZAL – “WARDEN MATAKAW sa pera, sibakin!” at “Mayor Leyble tulungan mo kami, ginugutom kami, pati dalaw ayaw papasukin!”

Ito ang mga katagang isinisigaw ng mahigit 700 inmates sa Antipolo City Jail kasabay ng isinagawang “noise barrage” kagabi.

Ang noise barrage na umabot ng halos limang oras ay nagsimula dakong alas-7:00 ng gabi kung saan ay hindi na naghapunan ang mga inmates at sinimulang kalampagin ang kanilang selda at lahat ng bagay na makakalikha ng ingay.

Sa panayam ng Pinoy Parazzi sa isang inmate, sinabi nito na maraming anomalya sa loob ng jail lalung-lalo na sa pera, kung saan ang maliit na budget para sa pagkain ay tinitipid pa at mistulang ka-

ning baboy na ang ipinakakain sa kanila.

Hiniling din ng mga preso na makausap si mayor Nilo Leyble para tulungan silang paratingin sa pamunuan ng BJMP ang pagsibak kay J/Supt. Carolina Borinaga bilang warden.

Nagsimula ang kaguluhan matapos na tanggalin ni Supt. Borinaga ang opisyal ng mga selda matapos na positibong makahuli sila ng droga at hindi pagsurender ng cellphones ng ibang inmates.

Ikinatuwiran naman ng mga preso na hindi makakalusot sa mga jailguard ang droga kung wala itong timbre.

“Sobrang higpit po ng bantay sa main entrance paano makakapasok ang droga kung walang alam ang mga jailguards,” ayon pa sa source ng Pinoy Parazzi.

Dahil naman sa nagaganap na tensiyon ay nagpadala ng dalawang team ng SWAT ang Rizal PNP para sa anumang kaganapan habang naghanda rin ang Bureau of Fire Protect-ion ng bumbero at kagamitan sakaling lumala ang nasabing kaguluhan. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.