Antipolo City Jail Warden, Sinibak

RIZAL—PANSAMANTALANG TINANggal sa kanyang puwesto bilang jail warden ng Antipolo si J/Supt. Carolina Borinaga matapos ang naganap na jail crisis kahapon na nagresulta sa pagkakalipat ng 23 inmates sa Bicutan Jail.

Si Supt. Borinaga ay pinalitan ni J/Sr. Insp. Wilfredo Jalbuena na nanggaling naman sa Regional Office ng Bureau of Jail Management and Penology.

Sa panayam kay Jalbuena sinabi nito na balik na sa normal ang sitwasyon sa loob ng jail kung saan ang mga inmates ay maagang nagsagawa ng kanilang daily exercise.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ni JO1 Cleofas Encallado na naghahain sila ng panis na pagkain at mistulang kaning baboy dahil ayon sa kanya ay siya mismo ang namamalengke at kung ano ang kinakain ng personnel ay siya ring kinakain ng mga inmates.

Sinabi pa ni Encallado na P50 lamang ang budget ng isang inmates sa maghapon at ito ay pinagkakasya lamang niya para makakain nang maayos ang mga ito.

Nabatid na ang Antipolo City Jail ay mayroong 740 inmates at mayroon itong P37,000 na budget sa pagkain kada araw.

Gayunman, sinabi ng isang jail personnel, na malapit sa katotohanan ang akusasyon ng mga inmates sa kanilang tinanggal na jail warden.

“Sobrang takaw sa pera ni Warden, pati nga ‘yung binigay ni Mayor Nilo Leyble na P50,000 para sa livelihood ay nawawala,” ayon sa source.

Itinanggi rin ng source na droga ang dahilan kung bakit hindi na nagpapapasok ng dalaw bago naganap ang krisis.

“Nararamdaman na kasi ni Warden na nagagalit na ang mga inmates kaya, hinigpitan na niya at pinagbintangan ang over-all mayores na nagbebenta ng droga sa loob,” ayon pa sa source.         (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.