Antipolo City, Inatake ng Landslide

NAGKAROON NG tatlong insidente ng landslides sa Antipolo City dulot ng paglambot ng lupa na dala naman ng pag-ulan.

Sinabi ni City Disaster Risk Reduction and Management Coucil Joey Marco na limang pamilya ang naapektuhan ng landslide sa Duhat Road, Unit 2, Barangay Mayamot.

Nagkaroon din ng landslides sa Mapayapa Street sa Pagrai Hilas, Barangay Mayamot kung saan isang bahay na pag-aari ng Pa-milya Mellomida ang natabunan.

Sa Amerville Unit 2 sa Barangay Mayamot, isang bahay ang napinsala ng landslide.

Inilikas na sa pinakamalapit na evacuation center ang mga naapektuhang pamilya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.