Antipolo at Rizal, Nagbabangayan

RIZAL – NAGSIMULA NA ang “word war” sa pagitan ni Rizal governor Jun-Jun Ynares III at City Mayor Nilo Leyble kaugnay ng napipintong plebisito para maging Highly Urbanized City (HUC) ang Antipolo City.

Ang bangayan ay nagsimula matapos na magpalabas ng isang open letter ang gobernador na pinamagatang “Ang magandang pinagsamahan”, kung saan nakasaad ang mga tulong at magiging tulong pa na maibibigay ng pamahalaang panlalawigan sakaling manatiling component city ang lungsod.

Agad namang sinagot ng alkalde ang nasabing open letter ng “Ang maganda, maunlad na bukas”, kung saan nakasaad naman na hindi makakalimutan ng Antipolo ang mga tulong ng lalawigan dahil sa ito ay obligasyon bilang nasasakupan ng lalawigan.

Nakasaad din sa liham ng alkalde ang mga maaaring maging pakinabang ng mamamayan sakaling matuloy ang pagiging Highly Urbanized City ng lungsod.

Napapanahon na rin umano na humiwalay ang anak sa kanyang magulang para sa sariling kapakanan at sa pag-unlad, na labis namang ikinairita ng pamunuan ng Rizal.

Nabatid na ang lungsod ay nakatakdang sumailalim sa plebisito sa darating na June 13, 2011 para pagtibayin ang pagiging Highly Urbanized City ng Antipolo, matapos na pumasa ito sa mga pamantayan para maging HUC.

Gayunman, isang mataas na opisyal naman ng lungsod ang nagsabi na ang mamamayan ng Antipolo ay bulag pa sa kaganapan kung ano ang ibig sabihin ng HUC, matapos na mabuo ang plano para lamang sa kagalingan ng ilang pulitiko.                      (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.