Antipatikong colonel ‘di welcome sa Malabon

 

MISTULANG BIYERNES SANTO palagi ang araw ng mga miyembro ng Malabon City Police at ilang staff dito dahil sa pagiging antipatiko umano ng kanilang bagong chief of police.

Nitong Setyembre 23, 2011 ay itinalaga bilang bagong Chief of Police ng Malabon Sr. Supt. Ferdinand Ampil kapalit ni Sr. Supt. Cornelio Barrios.

Maging ang ilang opisyal ng pamahalaan ng lungsod ng Malabon ay negatibo ang tingin kay Ampil dahil sa pagiging antipatiko diumano nito at labis kung manuri ng kanyang kapwa.

Hindi lamang taga-Malabon ang nakakaramdam ng panunuri ng kapwa ng nasabing colonel kundi pati ang ilang miyembro ng mamamahayag na nagkokober sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area.

Bago pa man si Ampil maging hepe ng Malabon police ay sinasalubong ka pa ng ngiti ng mga kapulisan rito lalo na ang mga imbestigador subalit sa kasaluku-yan tila pasan ang daigdig at hindi na makangiti sa bigat ng dinadala.

Nabatid na si Barrios ay inalis sa puwesto dahil sa hindi umano nito masawata ang mga iligal na aktibidades sa lungsod at mga krimen nagaganap.

Subalit, tila mas malala pa yata ang pangyayari sa pamumuno ni Ampil matapos itong mabuwena manuhan nang tambangan at patayin ang isa sa miyembro ng Philippine Team Shooters na si Michael Lontoc at hanggang sa kasalukuyan kahit isa sa apat na suspek ay wala pang nahuhuli.

Isang malaking hamon rin kay Ampil ang laganap na kasong riding-in-tandem sa lungsod at puro patayan na hanggang ngayon ay wala pang nareresolbang kaso.

At dito, mapatunayan ni Ampil ang tagal nito sa operasyon noong nasa MPD, na naging station commander rin ng Station 10 at 7 sa Quezon City at nagmula rin sa Bicutan.

Mismong ang manunulat ng pahayagang ito ang nakaranas sa pagiging antipatiko ni Ampil matapos siyang kapanayamin para sana makadaupang-palad at makilala ang bagong upong hepe para madaling makipag-ugnayan kapag kinakailangan man itong kapanayamin hinggil sa nagaganap sa kanyang area of responsiblities.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit personal na tinungo ng pahayagang ito sa kanyang tanggapan si Ampil ay para malaman kung totoo ngang antipatiko kung makitungo at makiharap sa mga taong pumapasok sa kanyang tanggapan.

Ayon naman kay Ampil, ipinatutupad lamang nito kung ano ang ipinag-uutos mula sa Kampo Crame.

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.