Antigong kampana sa simbahan, ninakaw

DAGUPAN CITY – HALOS umiyak ang caretaker ng Saint Catherine Church, sa bayan ng Bautista, Pangasinan matapos tangayin ng hinihinalang magnanakaw ang antigong kampana ng simbahan.

Labis silang nalulungkot sa pagkawala ng kampana na sadyang napakalahaga sa mga debotong Katoliko na dumarayo sa kanilang simbahan, ayon sa caretaker na si Julie Cariaga.

Nagtitiis na lamang sila sa pag-aantay sa pagtunog ng maliit na kampana na siyang pansamantalang ipinalit sa nawawalang malaking kampana, dagdag pa ni Cariaga.

Kung dati, aabot pa ang lakas ng tunog ng kampana sa kabilang bayan, subalit ngayon ay halos hindi na marinig ang tunog nito.

Tinataya namang may 50-years na ang tanda ng naturang kampana at aabot sa P200,000 na ang halaga nito.

Umaasa pa rin sila na hindi pa naibebenta ang naturang ninakaw na kampana at makonsensiya ang mga magnanakaw at ito ay ibalik. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)


Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.