Anti-Vote Buying Campaign, Pinaigting

IPINAG-UTOS NI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa mga pulis at militar na paigtingin ang pagbabantay laban sa vote-buying.

Maaalala na umaabot ng mula P1,000 hanggang P3,500 pesos ang bentahan ng mga boto lalo sa mga lalawigan.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ibinigay ng Pangulong Aquino ang direktiba sa isinagawang command conference sa PNP at AFP.

Sinabi pa ni Valte na kailangan din ang tulong ng mga mamamayan lalo na ngayong araw ng halalan dahil limitado ang lugar na maaaring puntahan ng mga pulis at sundalo.

Kasabay nito, tiniyak din ng Palasyo na nagbigay na ng commitment ang mga sundalo para sa seguridad ng mga bo-tante ngayong araw at makaboto nang malaya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.