Anti-RH Bill Solons, pampatagal sa debate

MAHABA-HABA PA umano ang dadaanang proseso ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill sa Mababang Kapulungan sakaling isusulong man ito ng mga kongresista.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales III, ang gagawing botohan bukas ay para alamin lamang kung kailangang tapusin na ang plenary debate o isasalang na sa ammendments ang panukalang batas.

“Matagal ito, mahabang proseso ito. Kaya, iyong pag-terminate ng period of debate is only part of second reading eh,” ani Gonzales.

Maliban dito, hindi rin aniya tiyak kung maisasalang sa second reading sa taong ito ang RH bill, dahil tiyak umanong magiging abala ang mga mambabatas sa paghimay sa panukalang budget para sa susunod na taon.

Kahit sa isyu lamang umano ng termination ng debate sa plenaryo, mahabang panahon na ang kinain ng Kamara at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos, dagdag pa ng opisyal.

Tumanggi rin ang Majority Leader na magbigay ng timeline kung kailan maipapasa ang RH bill.

“Mahirap mag-predict, eh. This is one time, even I, hindi pa talaga malinaw kung ano ang mangyayari rito,” saad ng mambabatas.

Kaugnay nito, hinamon naman ni Gonzales ang mga anti-RH congressman na kung talagang may sapat na bilang ang mga ito para harangin ang panukalang batas, dapat umanong lumahok ang mga ito sa botohan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.