Anti-Political Dynasty Bill, Aprub na sa Committee Level

KAAGAD NA ire-refer ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa plenaryo ng Kamara ang ipinasang bersyon ng Anti-Political Dynasty bill.

Kamakailan ay naaprubahan na sa committee level ang panukalang batas na nagbabawal sa magkakamag-anak na maupo sa elective positions sa gobyerno.

Oras na maipasa at na-ging batas ang nabanggit na panukala, bawal nang makaupo sa anumang elective positions ang magkakamag-anak hanggang sa second degree.

Nakasaad sa Anti-Political Dynasty Bill na maaaring ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy ng magkakamag-anak na gustong tumakbo sa eleksyon.

Samantala, inirekomenda din ni Rep. Neri Colmenares na sakaling walang umurong sa magkakamag-anak na kandidato, pipiliin sa pamamagitan ng raffle kung sino ang papayagang kumandidato.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.