Anti-Padrino System ni Miriam Baka ‘Di Epektibo – Guingona

BAGAMA’T SUPORTADO ni Sen. Teofisto Guingona III ang panukalang batas ni Sen. Miriam Defensor Santiago na Anti-Padrino sytem, nagdadalawang-isip naman ang mambabatas kung magiging epektibo ito sakaling maging batas.

Sinabi ng senador na maaaring mapigilan ng nasabing panukalang batas ang mga written recommendations ng mga pulitiko subalit hindi naman nito saklaw ang mga tawag sa telepono na nagsilsilbing daan din sa “padrino system”.

Maliban dito, kultura na ng Pilipino ayon kay Guingona ang manghingi ng tulong para sa promosyon sa trabaho kung saan aminado rin ito na marami na rin siyang karanasan mula sa mga humihiling ng rekomendasyon sa kanya.

Samantala, napag-alaman na layon sana ng panukalang batas ng senadora na maibsan ang korapsyon kung ma-tigil na ang matagal nang padrino system sa Pilipinas.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.