Anti-Padrino System, Isinusulong ni Miriam

ISINUSULONG NI Sen. Miriam Defensor-Santiago ang isang panukalang batas na magbabawal sa pakikialam ng mga pulitiko para maitalaga ang kakilala o kaibigan sa anumang mataas na posisyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni Santiago na layon ng “Anti-Political Recommendations Bill” na maiwasan ang “padrino system” na ugat ng katiwalian.

Nag-ugat ang nasabing proposed bill ng mambabatas sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng Bureau of Customs (BoC), kung saan nakaladkad pa ang mga pagpuna rito hanggang sa state of the nation address (SONA ) ng Pangulong Noynoy Aquino III.

Base sa ilalim ng naturang panukala, ipagbabawal umano ang verbal at written recommendation para sa sinumang indibidwal, lalo na kung ang target ay ang matataas na puwesto sa gobyerno.

Samantala, para kay Santiago, maituturing na bilang paghahanda sa korapsyon ang paglalagay at pagprotekta ng mga tao sa isang ahensya kung hindi naman talaga nila sakop ang nasabing trabaho.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.