ANTI-LITTERING ORDINANCE NG MMDA, SUPORTADO NI RECOM

SUSUPORTAHAN NI CALOOCAN City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang kahilingan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na paigtingin ang batas laban sa pagtatapon ng basura sa mga kalsada.

Ang pagsuporta na ito ni Echiverri kay Tolentino ay base na rin sa kahilingan ng MMDA chairman sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na magpasa ang bawat Sangguniang Panglungsod ng isang ordinansa hinggil sa anti-littering.

Matatandaang noong Lunes na umapela si Tolentino sa lahat ng alkalde at opisyal ng LGU’s na agad na magpasa ng isang ordinansa tungkol sa mga alituntunin sa pagtatapon ng basura ng mga residente sa Metro Manila .

Sa rekord ng MMDA, umaabot na sa 21,000 indibidwal ang nahuli dahil sa walang pakundangang pagtapon ng mga ito ng basura sa kalsada simula ng ipatupad ng naturang ahensiya ang Metro Manila Council anti-littering regulation noong September ng nakalipas na taon.

Ang mga nahuling ito ng MMDA sa paglabag ng anti-littering ay pinagmulta ng halagang P500 hanggang P1,000 at pinatawan din ang mga ito ng community service sa kani-kanilang lugar

Ayon kay Echiverri, napapanahon na upang dagdagan ang parusa laban sa mga walang pakundangang nagtatapon ng basura sa kalsada na nagiging dahilan ng pabara nito sa mga daluyan ng tubig na siyang nagpapataas ng tubig baha na labis na nakakaapekto sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Bagama’t hindi nagiging problema ngayon sa Lungsod ng Caloocan ang paghakot ng basura sa bawat bahay ay nakiusap pa rin si Echiverri sa mga residente na patuloy na panatilihin ang kalinisan sa kanilang barangay.

“Isang paraan ng pagtulong natin sa paglutas sa ating lumalalang klima ay sa pamamagitan ng paglilinis ng ating kapaligiran na bamaga’t maliit na bagay ay malaki naman ang magiging bahagi natin laban sa global warming,” paliwanag pa ni Echiverri.    (Gigi Convocar)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.