Anti-Epal Campaign, Inilunsad sa Region 1

PORMAL NA inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-RO1) ang anti-epal campaign habang papalapit na ang pa-ngangampanya ng mga lokal na kandidato para sa nalalapit na halalan.

Sinabi ni DSWD Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo na layunin ng nasabing programa na maiparating sa publiko, benepisyaryo at mga pulitiko na huwag gamitin ang programa ng ahensiya na 4 P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program para sa sariling interes.

Ayon kay Castillo, sa pamamagitan ng anti-epal campaign ay maiiwasan na ang nakasanayan na ng ilang pulitiko na gamitin ang mga programa ng pamahalaan para isulong ang kanilang kandidatura.

Samantala, muling iginiit ni Castillo na walang karapatan ang sinumang pulitiko na alisin ang isang benepisyaryo bilang miyembro ng 4P’s sakaling hindi siya nito iboto, dahil ang DSWD central office lamang o mga regional offices ng naturang ahensiya ang makapagsasabi kung dapat alisin sa listahan ang isang benepisyaryo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.