Anti-Corporal Punishment Bill, Ipasa Na – Save The Children

‘NEVER VIOLENCE: Ending Corporal Punishment of Children’ ang tema ng forum ng Save The Children Foundation. Hinimok ng miyembro ng Swedish Parliament at opisyal ng Save The Children Sweden ang gobyerno ng Pilipinas na ipasa na ang Anti-Corporal Punishment Bill na kasaluyang nakabinbin sa Senado.

Nagtulung-tulong ang Child Rights Network (CRN) na binubuo ng 16 na child rights organizations kabilang ang UNICEF, Philippine Legislators Committee on Population and Development at Philippine Government’s Council for the Welfare of Children na sinimulan ang kampanya sa bansa taon 2005 sa adbokasiya na ipagbawal ang corporal punishment at mahikayat sa positibo at hindi bayolenteng pamamaraan ng pagdidisiplina sa mga bata.

Tahasang saad ni Rep. Susan A. Yap, 2nd District, Tarlac, “Hindi ganoon kadaling ipatupad ang anti-corporal punishment lalo na sa mga urban area kumpara sa rural area. Sa Sweden nga na una sa buong mundo sa anti-corporal punishment na inabot ng 3 dekada para mapagtagumpayan ang adbokasya. Dito sa bansa, kaya naman kung magkakaisa ang local government units (LGUs).

“There are only 31 countries in the world that legally ban corporal punishment in all settings and protect children from physical and emotional punishment inflicted as a form of discipline. If passed, the Philippines will be the first in Asia,” pahayag ni Staffan Jansson, pediatrian, professor ng child at adolescent medicine mula sa University of Karlstad Sweden.             (MJ BALAGUER)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.