Anti-bullying act, Ok na kay PNoy

NILAGDAAN NA ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013.

Setyembre 12, 2013 nang pirmahan ng Pangulong Aquino ang batas na nag-uutos sa lahat ng eskwelahan sa elementarya at sekondarya na lumikha ng mga polisiya para pigilan at tugunan ang mga insidente ng pambu-bully sa kanilang institusyon.

Sa ilalim ng nasabing batas, ipinagbabawal ang anumang uri ng pambu-bully. Nakasaad din ang paglikha ng katapat na kaparusahan sa mga magpapasimuno ng bullying.

Bukod dito, sasailalim sa isang rehabilitation program ang nam-bully. Hihikayatin din ang mga magulang nito na dumalo sa kaparehong programa.

Kailangang ilathala sa student handbook ang naturang polisiya ng eskuwelahan laban sa bullying. Dapat din itong

ipaskil sa school bulletin boards at websites.

Pangungunahan din ng school principal ang paghawak sa mga kaso ng bullying. Inaasahang agad itong maglulunsad ng pagsisiyasat sa bawat report ng bullying.

Samantala, magtatakda rin ang Department of Education ng karampatang parusa sa mga school administrator na hindi tutupad sa idinidikta ng batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.