Premiere Shots: Anthony Linsangan at Camille Prats, humarap na sa altar!

Matagumpay at masaya ang naganap na kasalan nina Anthony Linsangan at Camille Prats noong Marso 5, 2010 sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati, alas-2:30 ng hapon.

Naging principal sponsors ni Camille sina Ms. Wilma Galvante, Sen. Juan Miguel Zubiri, Aga Muhlach, Edgar Mortiz, Dr. Manny Calayan, at marami pang iba.

Nakasama ang ilan sa malalapit nilang mga kaibigan bilang groomsmen at maid of honors na sina Marvin Agustin, Marco Alcaras, Diana Zubiri, Iya Villania, Angelica Panganiban at iba pang non-showbiz friends. Ang kanilang anak na si Nathan ang Ring Bearer.

Ginanap ang reception sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Plaza, ala-6:00 ng gabi.

Napakaraming mga kaibigan at kamag-anak nila ang nagsidalo sa napakasayang pagtitipon na ito. Ilan sa mga bisita ay sina Bryan Revilla, Bubbles Paraiso, Maxenne Magalona, Bianca King, sina Kyla at Jay R ang kumanta sa kanilang reception.

Napakaganda ng aura ng mag-asawa, napakasaya nila.

Sa mag-asawang Mr. & Mrs. Antony Linsangan, congratulations & best wishes!

Text & Photos By Ronnie Bernaldo

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.