Anomalya sa GSIS?!

0920215xxxx – Sir Raffy, nais ko lamang pong idulog sa inyo ang mga anomalyang nangyayari sa GSIS dahil sa biglaan nilang pagbabawas sa halaga ng buwanang pension ng mga pensioner. Wala po silang ibinibigay na dahilan kung bakit sila nagbawas ng pension ng mga retiree. Sana po ay mabigyan n’yo ng pansin ang aming sumbong.

0910219xxxx – Idol, gusto po sana naming ireklamo ang may-ari ng dati naming pinapasukang trabaho. Dahil hanggang ngayon, hindi pa po nila ibinibigay ang sahod namin mula pa noong September 1 hanggang November 30, 2010. Ngayon po, kapag nagpupunta kami sa kanila upang mag-follow up ay sila pa ang galit sa amin. Sana po ay maaksyunan ninyo itong aming reklamo lalo na po ngayong magpa-Pasko. Salamat po.

0927756xxxx – Pakitawag naman po ang atensiyon ng mga pulis-Pasay dahil sa madalas na kaso ng holdap sa mga estudyante na nangyayari riyan sa PhilSCA. Salamat po at more power sa inyo.

0927912xxxx – Sir, ititimbre ko lang po sa inyo ang mga colorum dito sa may Petron C-5, Taguig. Kami pong mga registered na taxi ay nahihirapang kumuha ng pasahero dahil sa kanila. Ang mga HPG naman po dito ay mga nalalagyan kaya hindi sila mahuli.

0926755xxxx – Idol, hihingi lamang po kami ng tulong na sana po ay matulungan n’yo ang Meralco na mahuli at maparusahan ang mga magnanakaw ng kuryente sa Elysian Homes Phase-3, Bahay Pare, Meycauayan, Bulacan. Napakatagal na pong problema ito dahil ginagawa pa nilang negosyo ang pagkakabit ng iligal na kuryente sa mga bahay-bahay.

0999463xxxx – Sir, ire-report ko lamang po sa inyo itong butas na manhole dito sa amin na hindi po nabibigyang pansin ng aming munisipyo. Marami na po ang naaaksidente rito sa butas na ito kaya sana po ay maaksyunan ninyo. Marami pong salamat.

0922420xxxx – Sir Raffy, irereklamo ko lang po ang Serrano Elementary School sa Valenzuela City dahil marami na pong mga estudyante ang nagkakasakit ng U.T.I. dahil sa kawalan ng tubig at napakabaho pa ng kanilang banyo. Napag-alaman po naming limang buwan na pong walang tubig sa eskuwelahang ito dahil naputulan na raw.

0922612xxxx – Gusto ko pong ireklamo ang eskuwelahan dito sa Trece Martirez dahil marami pong pinababayaran sa mga estudyante katulad ng P6.00 para sa inventory, P50.00 para sa homeroom, P135.00 para sa PTA, at P40.00 para sa security guards.

0921267xxxx – Sir, pakiimbestigahan naman po ang pagkuha ng police clearance diyan sa Caloocan dahil may mga kaanomalyahang nagaganap.

0905783xxxx – Pakipasara naman po ang AR Lopez, iyong kaisa-isang pabrika rito sa Velasquez, Tondo dahil wala po sa minimum magpasahod at 7:00 am hanggang 7:00 pm pa ang oras ng trabaho. Pakiimbestigahan po ang pabrikang ito dahil matagal na po itong iligal.

Para sa inyong mga sumbong, magtext sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.