Ano buzz, Ruffa Gutierrez?

Dear Ruffa,

Kung sasabihin mo ulit sa amin na magkaibigan lang kayo ni John Lloyd, pwes lokohin mo na kami huwag lang ang sarili mo. Sinubukan na ng Dos ang lahat ng posibleng paraan para mapaniwala kaming mga tagasubaybay na wala talagang namamagitan sa inyo ni Lloydie. Itinago na rin ng istasyon n’yo mula sa madla ang mga bagay na maaaring makasira sa mga karir n’yo. Naniwala kami nang sabihin mo ang gasgas nang linyang “we’re just friends”. Pero ano’ng nangyari? Biglang kinumpirma ng nanay mo sa isang show ang tungkol sa namumuong relasyon ninyong dalawa ni Lloydie. Sa totoo lang, ‘Day, nakakaloka magkaroon ng nanay na katulad ni Bisaya pero hindi sapat na dahilan ‘yun para magrebelde ka at umastang teenager na parang kinikiliti sa kilig sa tuwing nababanggit si JLC.

Kung may problema kayo ng nanay mo, ayusin n’yo sa loob ng pamamahay n’yo. Kung gusto mo talagang tumigil ang espekulasyon ng mga tao, tuldukan mo sa pamamagitan ng pagkandado sa bibig ninyong mag-ina. Beauty queen ka, Ruffa, kaya please, sumagot ka ng tama. Alam mo dapat kung paano ang tamang paraan para linawin ang mga bagay-bagay at hindi ‘yung dinadaan mo kami sa paliguy-ligoy. Alam ko matalino ka pero hindi mo ba naisip na katangahan kung magkikita kayo sa US para lang pagtakpan ang mga usap-usapan tungkol sa inyo? Ano’ng akala mo, walang mga tsismosa roon para isipin na hindi kakalat ang balita na magkasama kayo? Magseryoso ka kasi. Sabihin mo ang totoo na pareho talaga kayo ni Kris na mahilig makipagrelasyon sa mga lalaking mas bata ang edad sa inyo. Hindi naman ibig sabihin na masaya ang panlabas na imahe ng relasyon ni Kris at James ay ganu’n rin ang kinahantungan ng sa inyo ni Lloydie.  Huwag kang masyado makikinig d’yan sa kaibigan mo, isa pang disaster ang buhay n’yan. Maganda ka at ‘di hamak na mas mukhang bata sa edad mo kaya walang duda na mas marami pang lalaki ang babagay sa ‘yo. Mga lalaki na kayang bilhin ang mga kamunduhang luho mo at ng buong pamilya mo. Dapat mayayamang matatanda na madaling mamatay ang kinakarelasyon mo. P’wede rin ang mga foreigner na hindi marunong umintindi ng Filipino para sa tuwing magsesermon ang nanay mo, hindi maiintidihan ng mga ito.

Nasanay ka na ibinibigay sa ‘yo ang lahat ng layaw mo hanggang dumating ka sa punto na nasa ‘yo na ang lahat pero, Ruffa, mga bagay na mali ang hinangad mo dahil hindi lahat ng gusto mo, makakabuti para sa ‘yo. Isang halimbawa n’yan, ang magkagusto kay John Lloyd. Pangarap ng maraming babae ang ihulma ang buhay alinsunod sa landas na tinatahak mo pero dahil sa desisyon mo na ipagpatuloy ang kalandian mo, binigyan mo ng ideya ang mga ito para mapariwara.

Halos lahat nahuhumaling sa karisma ni JLC at malamang, wala ka ring pinagkaiba. Sa totoo lang nasa ‘yo ang lahat ng karapatan para gustuhin siya pero kahit marami kang rason para makipagrelasyon kay John Lloyd, tatalunin ‘yan ng dalawang dahilan: karir at pamilya. Pagdating sa pag-ibig, age doesn’t matter but family and career do. Kung maging kayo ni John Lloyd, super pogi points ‘yun para sa kanya. Eh, sa ‘yo? Lalabas lang na desperada ka. Malaki ang chance na iiskoran ka lang niya tapos iiwanan tulad ng ginawa niya sa iba. Plus factor ‘yun para kay JLC at sasaludo sa kanya ang kalalakihan dahil natuhog niya ang isang Ruffa Guttierez. Oo nga, pareho kayong nasa tamang edad na para magdesisyon – mga mature, ‘ika nga.  Kung tutuusin, magulo na nga ang buhay mo, hahayan mo pa ba na mawindang ang pamilya at karir mo? Alam mo sana kung paano pahalagahan ang mga bagay na meron ka sa ngayon.

Kaya sana, Ruffa, para sa kabutihan ng buong universe, tigilan mo na ang mga kalokohan mo.

Eto lang naman si,

Chicksilog

loading...

6 thoughts on “Ano buzz, Ruffa Gutierrez?

  1. ang saya kayang ma-in love , ruffa deserves to be happy and obvious my something cla ni JL..i like them together.

  2. Halatang bayaran itong si chicksilog. Kung ayaw ni John Llloyd sa manok mo, huwag pilitin. May physical attraction ang dalawa. Pabayaan sila. Siguro naman, kikita rin ang pelikula nang manok mo maski hindi si John Lloyd ang leading man. Tigilan mo si Ruffa. Kunwari, pa advice advice ka pa. Reverse psychology ang ginagamit mo. Hindi uubra. I support JLC and Ruffa’s relationship, whatever it is. Parehong walang sabit. Wala tayong magagawa kundi tanggapin na lang.

  3. e anu nmn aaminin nla e ilang beses n nga cnabi ni jlc n ala cla relasyon.. ewan ntin in the near future kung may mabuo.. lets just wait and see… For now tama n muna ang pgiging advance ng ating imahinasyon.. hehe..

Leave a Reply

Your email address will not be published.