Ano ba talaga ang sitwasyon ng DH sa Saudi?

PINO-PROCESS NA PO ng ahensya ko ang papeles ko patungong Saudi. Pero nabasa ko po sa dyaryo na baka raw i-ban ang pagpapadala ng DH doon. Ito raw po ang rekomendasyon ng Kongreso. Ano po ang totoo? — Divina ng Tuao, Cagayan

MAY GANYAN NGANG mga balita. Sa katunayan, nag-uusap na ang mga kinatawan ng ‘Pinas at Saudi tungkol sa bagay na ito at malamang na sa buwang ito ay ibababa ang desisyon kung tuloy ang ban o hindi.

Sa rekomendasyon ni Rep. Walden Bello, Chairman ng Committee on OFW sa Kongreso, dapat nang ipagbawal ang pagpapadala ng domestic workers sa Saudi dahil laganap daw roon ang pagmaltrato sa kanila. Sa kasalukuyan kasi, may isinasagawang proseso ng certification sa lahat ng bansa na may OFW. Kapag matuklasan na hindi maganda ang kalagayan ng mga kababayan natin sa ilang bansa, hindi ise-certify ang mga ito na bansang maaayos ang kalagayan para sa mga Pinoy. Kaya ‘di na tayo puwedeng magpadala ng mga manggagawa sa nasabing mga bansa.

Sa isang banda, ipinahayag naman ni Vice-President Jojo Binay, Presidential Adviser on OFW Affairs, na ang mga inaabusong OFW sa Middle East ay may maliit na porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng mga OFW roon.

Ano na ang gagawin natin?

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected]

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleTalamak na pangongotong
Next articleKasal sa dalawa

No posts to display