Ano ang sey mo, Ryan? Biyenan kampi kay Juday!

LAHAT NG mag-asawa ay dumadaan sa mga pagsubok. Ganito rin ang nararanasan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na inamin na nag-aaway rin silang mag-asawa, nagkakaroon ng mga maliliit na tampuhan na ang pinakamatagal ay umaabot ng apat na araw. Napakasuwerte kasi ni Juday na may mga biyenan siyang natatakbuhan na nagagawang kausapin ang kanyang mister kaya nagkakabati agad sila. Karamihan sa mga mag-biyenan ang hindi nagkakasundo. Pero alam n’yo ba na si Juday ay kinakampihan ng kanyang mga biyenan, huh! Hindi lang pala si Papa Ryan ang nagmamahal nang husto sa magaling na aktres, kundi maging ang kanyang mga biyenan, kaya wala na ngang mahihiling pa ang ating bida. Pak!

Parazzi Wires Photos

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.