Ano ang nangyari sa career ni Jane Oineza?

JANE OINEZA

AFTER ng isang panghapong serye ng Kapamilya Network kung saan hindi si Joshua Garcia ang naging kapartner niya (maraming followers ang JOSHANE loveteam) kahit magkasama sila sa naturang afternoon serye, tila naglamlam ang showbiz career ni Jane Oineza.

Fan-based pa rin kasi ang nagiging batayan ng popularidad at kainitan ng isang artista na noong nawala si Joshua Garcia sa tambalan nila at napunta na kay Julia Barretto, naging isang independent actress si Jane na hindi naging kawalan ang kapareha niya or ka-loveteam sa pagiging solo niya at walang kapartner or ka-loveteam.

Si Jane, keri niya tumayo bilang solo actress. Aktres kasi siya na hindi kailangan na dumepende sa ka-loveteam. Iba-iba ang puwedeng ipares sa kanya sa telebisyon man o pelikula.

Tulad halimbawa sa huling performance niya sa MMK kung saan puring-puri siya ni Angel Locsin pagdating sa kanyang acting prowess.

 “Noong una, kinakabahan ako kasi syempre Angel Locsin na ‘yun pero hindi… Sobrang bait niya. Nagtutulungan kami sa mga scenes namin,” kuwento ni Jane.

The Girls of Bloody Crayons: Maris Racal, Janella Salvador, Sofia Andres and Jane Oineza

Pero sa bagong project niya via “Bloody Crayons”, ang bagong suspense thriller movie ng kilalang suspense-horror film director na si Topel Lee na mula sa Star Cinema; she plays the role of Olivia na production assistant sa kuwento, kung saan nag-out of town ang isang grupo ng mga kabataan to do a film sa isang secluded island na mysteriously ay isa-isa sila pinagpapatay. Kung sino ang killer, yun ang suspense ng pelikula.

“Pero happy po ako ngayon sa nangyayari sa career ko. I like this new film namin nina Janella (Salvador),” sabi niya sa amin.

Sa mga girls na co-stars niya sa suspense movie, si Janella ang una niya naging friend even before they started filming. Ang ibang mga girls sa cast ay naging “friendship” na rin niya ay sina Sofia Andres at Maris Racal bukod syempre sa mga cutie boys led by Ronnie Alonte, Diego Loyzaga, Yves Flores, Elmo Magalona and not to forget ang komedyante na si  Empoy Marquez. Showing na angm Bloody Crayons on July 12 in cinemas nationwide.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Ano ang nangyari sa career ni Jane Oineza?

  1. maganda at talented ang batang ito. bakit ba mas pinapaboran ng Dos ang mga pabebeng sina Loisa at Julia? Kung di bibigyan ng matinong break ng abscbn si Jane, lipat na lang sa GMA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.